Chapter 3 - Ikaapat na yugto

1.4K 85 3
                                    

PUMASOK si Edan matapos sirain ang pinto ng kwartong dating inokupa ni Mikaell. Nawala niya ang susi niyon kaya hindi mabuksan-buksan. Sumalubong sa kanya ang alikabok pagdating sa loob. He plugged the aircon and turned it manually. He'll find the remote control later.

Mabilis na kumalat ang lamig sa buong kwarto. Tinungo niya ang cabinet at binuksan. Tiningnan ang iilang piraso ng damit na naiwan ng asawa. Puro panlalaki. Big shirts and denim jeans. May isang binder na naligaw sa pinakasulok. Kinuha niya iyon at napangiti. Itinago nito ang dibdib dati gamit iyon. That one he certainly failed to notice.

Tinanggal niya mula sa hanger ang mga damit at dinala sa laundry basket. Bukas na siya maglilinis. He ran back fast into his room when Jehu's small cry disrupted the silence.

He scooped the baby cautiously. "Hey, mama's down there." He whispered, smiling. Hinagkan niya ang sanggol sa noo. Tumahan ito pero isinusubo ang mga daliri. "You're hungry?" Natawa na lamang siya. He just fed him earlier. Malakas itong kumain kaya ang bilis lumaki.

Parang kailan lang nang isilang ito ni Mikaell. Ang liit-liit nito noon na nag-aalangan siyang hawakan at baka dumulas sa kanyang mga bisig. Malaki lang kasi ito ng kunti sa 1.5 liters na bote ng Coke. Pero tiniyak naman sa kanya ng doctor na malusog ito at walang dapat ipag-alala. Maganda rin ang resulta ng screening nito.

After two weeks he saw the baby's picture sent by his lawyer friend from the Pink Sisters partner non-government organization. Dumadalaw ng madalas ang kaibigan niya roon sa kombento para makibalita ayon na rin sa pakiusap niya. Minsan siya ang personal na pumupunta pero hanggang sa labas lamang siya tumatambay o kaya'y sa kalapit na mga gusali at nagbabakasakali na makita ang kanyang mag-ina gamit ang binoculars.

May mga umagang pinalad siya at natitiyempuhan niyang nagpapaaraw ang dalawa sa hardin. Ang laki ng itinaba nito sa nakalipas na mga buwan na hindi niya ito nakita. Ngayon ay pumipintog ng husto ang mga binti at braso. Pati pisngi.

"Let's wait for your mama in the living room." Lumabas sila ng sala at doon naghintay sa asawa. Sinipat niya ang oras. Almost one hour has down. "I wonder what took her so long," kausap niya sa anak na naaaliw pa rin sa mga daliri nito.

Binalingan niya ang laptop sa may mesita at binasa ang iilang e-mails na dumating galing kina Yzrael at Samuel. Lahat ay dagdag sa nakatambak niyang trabaho. Kailangan na rin yata niyang mag-file ng leave para mapagtuunan muna ng panahon ang kanyang mag-ina. Balak niyang dalhin ang dalawa sa villa ngayong darating na weekend.

Nag-angat siya ng tingin sa may pintuan nang pumasok si Mikaell. Pansin niya agad ang bagsak nitong mga balikat at ang lungkot sa mga mata na agad namang nahalinhan ng ngiti nang makita silang dalawa ni Jehu na naghihintay.

"Gising na pala siya!" Bulalas nitong napabilis ang paglapit sa kanya. "Akin na, malamang gutom na iyan."

Tumango lamang siya at nilipat sa mga bisig nito ang sanggol. Tiniklop niya ang laptop at pinanood itong masiglang pinapadede sa dibdib ang anak nila. They're both an attractive sight a man like him would never ever want to bargain for anything precious in this world.

He picked out his phone from his pocket and took a shot of them. Inirapan siya ni Mikaell habang pigil nito ang ngiti.

"Sama kayo sa akin sa meeting? We can stay overnight at my suite." He said gently.

She make a charming frown. "Paano kung makita kami ng iba? Magtataka ang mga iyon. Baka ulanin pa tayo ng tanong. Ayaw kong magsinungaling na naman."

"You don't have to lie. Tell them the truth that we're married and Jehu is our son. It would be cool." Kinindatan niya ito.

Lalo itong sumimangot. "Wala ka talagang puso, ano? Kagabi lang pumayag akong pakasal kay Javier tapos ngayon gusto mong lumantad ako roon at magmalaking asawa mo? Anong magiging tingin nila sa akin niyan?" Sikmat nito.

BGT 01: HIS X AND Y ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon