Javier knew he's in a thin line. He'll be needing not just perfect but a concrete decisive plan after letting Edan Lextallionez took his fiancée away. Nandoon siya at kitang-kita ang pagtakas ng dalawa. He didn't have much choice. Pagkatapos matauhan sa kahangalang ginawa kay Mikaell, nagmistula siyang kuting na binuhusan ng tubig sa isang sulok. Nanginginig at hindi makagalaw.
Tumingala siya at sinalo ng mukha ang malakas na buhos ng shower. Ikinuyom ang mga kamaong nakatuon sa malamig na tiles sa kanyang harapan. His patience snapped a great deal, costed him the trust of the only woman he ever love.
Sa isang iglap lang nasira ang lahat. Ang matino, mapagkakatiwalaan, at reponsableng imahe na binuo niya sa utak ni Mikaell ay winasak niya. Kailangan niyang mabawi ang tiwala ng dalaga. Isa lang ang naisip niyang paraan para bumalik ito sa kanya.
He grabbed the towel and wrapped it around his lower-half. Lumabas siya ng banyo at pinukol ng tingin ang dalawang tauhan ng kanyang ama na kapwa naglalagay ng yelo sa mga pasang tinamo kagabi.
Nagmukhang insekto ang mga ito na tinagpas. Couldn't even labeled what force was hitting them. Kinailangan pa niyang buhusan ng tubig ang mga ito para magising mula sa pagkakatulog doon sa corridor.
Banas na dinampot niya ang tumutunog na cellphone at sinilip habang nagpupunas ng buhok. It's his mother calling.
"Ma?" Naglakad siya patungo sa may bintana.
"Bakit hindi kayo magkasama ni Yvaine? May nangyari ba? Galing siya rito. Kinuha ang bata."
"What?" Nabitawan niya ang pinangpupunas na tuwalya. Tangena! "That was not Yvaine, Ma! Si Xiellou iyon!" Lintek... Pagkatapos ni Mikaell, si Jehu naman? Nagkuyom siya ng kamao. Inuubos ng lalaking iyon ang natitira niyang pag-asa.
Edan Kerubin Lextallionez...
"What do you mean? Si Yvaine iyon!" Giit ng kanyang ina.
Napahawak siya sa makapal na salamin ng bintana. Hindi alam ni Viera ang tungkol sa surgery ni Xiellou. Noong huling nagpunta sa kanila ang babae ay wala ang kanyang ina.
"Si Xiellou po iyon. Sorry, I didn't get to tell you that she had prosthetics for Yvaine's safety."
"Bakit niya kinuha ang bata? Inutos mo?" Naalarma ang kanyang ina.
Hindi siya makasagot. He's been jerk. Kung may dapat sisihin sa lahat ng kapalpakang nangyari sa kanya ngayon, siya iyon at wala ng iba. He missed Edan's underhanded leeway.
"Anak...baka kung mapaano ang bata." Bakas sa tono ni Viera ang pagkabalisa.
"Walang mangyayaring masama kay baby." He assured clenching his teeth. What now? Kung pati si Jehu ay mawala sa kanya, ano pa ang pwede niyang pang-akit kay Mikaell? Damn it all!
"Nasaan si Yvaine?"
He swallowed the bitterness crowding in his throat. "I will tell you later, Ma. I need to hang up now."
Tinapos niya ang tawag. He then searched for Xiellou's number. Hindi agad nakapasok ang tawag niya dahil sa signal interference. But he didn't stop hitting the digits until it went through.
"Kendrick?"
"Where's my son? Saan mo siya dinala?" Matigas niyang ungol.
"He's not your son. Anak siya..."
"Edan Lextallionez commissioned you. Matagal ko ng napapansin na nasa kanya na ang katapatan mo. Pero bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, ibalik mo sa bahay ang anak ko. Don't make me lose sight of who you are, Xiellou. You ain't gonna like it." Babala niya sa babae.
BINABASA MO ANG
BGT 01: HIS X AND Y ✅
RomansaAnong lasa ng pag-ibig para sa iyo? Lasang mansanas na kahit may lason at ipinagbabawal masarap pa rin kagatin? Baka lasang dugo, na kahit nakamamatay ay pilit na ipinaglalaban. When asked to choose between happiness against society's norms, we woul...