Chapter 2

48 0 0
                                    

Hi Thank you Po ulit sa pagbabasa, eywan anong sasabihin. But thank you padin.

Ang pangyayaring nasa storya ko na tumatama sa anomang pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya at imagination ko lang.

PLAGIARISM IS A CRIME.

Vinn's

Mahigit isang buwan na nangyari yung pagkawala ni mama, nagpatingin nadin ako sa doctor, Wala silang nakitang sakit ni mama. Pero malakas ang kutob ko hinilo siya, hindi siya agad agad mamatay kapag sakit lang yun maliban kung nastroke.

Tuwing umu-uwi ako malungkot lang ang naabutan ko sa bahay, ako nalang mag-isa at wala akong kasama sa laban ko. Humanap nadin ako ng trabaho, dahil kung tutunganga lang ako hindi ako mabubuhay nito.

Hinihintay ko pa din yung text message mula sa board exams ko. Imagine? Binati ko pa si mama ng good morning sumaludo pa ako tapos ngayon? Wala na.

Mapakla akong natawa habang inaayos ang kwarto namin ni mama, malungkot na bahay, masayang memorya. But still it's memories. Bakit parang gusto kong mamuhay sa past? Kesa sa present? Dahil alam ko naman na kasi yung panahon ngayon puwedeng masaya ako ngayon, bukas hindi na. Kagaya ng nangyari kay mama nagbibiruan lang kami sa umaga tapos sa hapon. Wala na siya.

Gaano ka effective yung hilong ginamit? Para ni isang oras hindi tumagal ni mama? Nangangati ang mga kamay kong sumubok na sa training. Para mahawakan na ang mga baril. Tangina.

Imbes na mag-isip, ay naligo nalang ako at nag-ayos. Titignan ko kung may trabaho ba akong makukuha ngayon, puro kasi antay ng antay lahat. About pala kay Hottie Guy, hindi ko na muling nabisita yung Insta niya busy na kasi ako ngayon. Wala pa namang kikilos kundi ako, nasanay lang ata akong si mama palaging kumikilos sa aming dalawa.

Tumayo ako saka pinagmasdan ang sarili sa salamin, itinaas ko ang aking kamay at sumaludo. Bagay ba ako dito? I choose this course because i want to protect the city, the nations and of course to protect my mom, who loved me.

Sinuot ko ulit ang pekeng ngiti ko, na kahit kailan man ay hindi na mapapalitan simula nong mawala ang taong nandiyan lang para sa akin, what a coincidence.

Ibinulsa ko ang phone ko at ang wallet , nag apply lang ako ng waiter sa isang Bar. Na hindi masyado malayo sa bayan namin. Habang papalabas ng kanto ay may mga nakakasalubong akong mga taong nakikiramay sa pagkawala ni mama, siyempre ginawaran ko lang sila ng isang pekeng ngiti. Ayoko sa mga taong mapagkunwari.

Pagka-abot sa Bar ay agad kong nilapitan ang manager nila, naging close ko na din siya at the same time. Simula to nong mga nakaraang araw.

“Vinne buti naman naisipan mo ng pumunta dito?” actually dapat nong nakaraang araw pa ako dito, kaso dahil nga ayaw ko munang magpuyat bumawi nalang ako ng tulog.

“Maki, kailangan ko na ng pera e, kaya pumasok na ako.” Sabi ko. “Oh? Bakit ka di nag uniform?” nakataas kilay na tanong niya.

“Kaya nga ako pumasok, Wala pa akong perang pambili.” nahihiyang sabi ko.

“Ganito nalang, pumasyal ka muna sa mall at bumili ng uniporme mo? Pagkatapos bayaran mo nalang ako sa unang linggong sahod mo?” sabi niya at hinawakan niya ang aking kamay. “Maki, Wala akong panggastos araw araw kapag ganito? Bayaran kita sa isang linggo? Eh paano yung araw araw na gastusin ko? Puwede bang 500 muna sa isang linggo tapos sa susunod na naman?” nakakahiya.

“Ayun! Sige! Magsimula kana teka at tatawagin ko si Jomarie.”

Si Maki ay manager at the same time may-ari ng Bar na ito.

Napapikit nalang ako sa hiyang nararamdaman ko ngayon, ang daya ng tadhana.

Kinausap na ni Maki si Jomarie ba yon? Ay bahala na, pagkatapos ng usapan ay iginaya ako ni Jomarie sa isang table at saka inayos ang cover ng table. “Alam mo Vinnese masuwerte ka kasi kahit unang araw mo palang di na estress si Sir sayo, should i say ma'am?” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

I'm Just He's Follower.Where stories live. Discover now