Sabi nila, ang tunay na nagmamahal, kailanman ay hindi susuko.
Hindi mapapagod.
Laging magtitiis.
Pero siguro, sapat na yun.
Sapat na siguro na nagmahal ako nang buo.
Na binigay ko lahat sayo.
Na sinuong ko lahat ng panganib, maging maayos lang tayo.
Kasi sa huli naman, wala rin.
Oras na siguro para tumigil.
Para sumuko.
Para huminto.
Hindi siguro naging sapat lahat ng sakripisyo ko
Kahit ano pang gawin ko, hindi na mababago
Nakulangan ka sakin, kaya hinanap mo sa iba.