Sa Dulo ng Ating Walang Hanggan

2 0 0
                                    

Sa Ngalan Ng Pag-ibig

Naaalala ko yung mga sandali na ikaw yung kasama ko. Nakasakay tayo sa LRT pauwi galing sa date natin. Share tayo sa earphones tapos yan yung tumutugtog. Yung piano version pa nga eh.

Pero kahit masakit yung lyrics ng kanta, masaya ako nung moment na yon. Para bang ang bagal ng galaw ng paligid. Nakasandal ako sa balikat mo non kasi siksikan na. Hawak mo nang mahigpit yung kamay ko. Para kong nasa gitna ng mapayapan lugar kahit ang totoo, nasa LRT tayo non at maraming tao.

Pinakinggan ko ulit yung kanta. Hindi na masaya yung alaala. Mas masakit na yung lyrics. Tagos hanggang buto.

Ansakit.

Sobrang sakit.

Lagi kitang nakikita sa bawat lugar na napupuntahan ko. Umaasa ako na baka nandon ka, kahit alam kong hindi ka naman mapapadpad don.

Sana masaya ka na sa mga naging desisyon mo sa buhay. Sana tama yung daan na tinahak mo.

Kasi ako, heto oh.

Stucked parin.

Masakit MagmahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon