Hindi mo alam kung ilang luha ang pinigilan kong tumulo
Kapag nasa publiko,
Sa harap ng pamilya ko,
Mga kaibigan,
Maging sa harap mo.
Nung una, akala ko malakas ako
Kasi walang nakakawala sa mga mata ko
Pero isang gabi,
May nakalabas
At lahat ng inipon ko,
Lahat ng pinigilan ko,
At lahat ng itinago ko,
Bumuhos na parang ulan
Na akala mo walang katapusan.
Pero ganon din yung pagmamahal mo,
Parang ulan.
Sa una malakas,
Kalaunan tumitila rin