Sabihin mo kung saan masakit,
Kung saan mo nakuha yung sakit
Kahit anong pangit,
Hindi ako pipikit.
Titignan ang peklat ng kahapon mong mapait
Handa kong tanggapin lahat
Lahat ng lungkot, pati na rin galit
Oo, sa akin,
Sa akin mo ipaalam ang lahat,
Sa akin mo ibuhos ang lahat,
Ikwento mo ang iyong buhay
Lahat ng bagay
Na hindi nagawang lumabas sa mga labi,
Na naka kulong lang sa kailaliman ng isip,
Walang pang huhusga,
Makikinig lang ako
Kahit gaano kahaba,
Kahit mahirap maunawa,
Makikinig lang ako.