♡♡

20 2 1
                                    

Venny's POV --

-- Classroom 

"Okay ka lang girl? Tulala ka nanaman dyan." Sabi sa akin ni Joyce nang makarating kami sa classroom.

Hindi pa din mawala sa isip ko yung lalaking nabunggo ko kanina. A Part Of Me Wants To Find Him. Ngayon lang ako nagkaganto, After The Breakup. Ngayon ko lang ulit naramdaman na bumilis yung tibok ng puso ko. Ngayon ko na lang ulit naramdaman kung pano kabahan. 

"Tulala nanaman ako palagi ah." Palusot ko.

"Woshooooo. If I know, iniisip mo lang yung lalaki kanina.. Yung nabunggo mo. Hahaha!" Asar sa akin ni Joyce.

"Ewan ko sayo. Ba't ko naman iisipin yun? Ang yabang kaya niya. Pft." Sabi ko, sabay yuko sa mesa.

Ilang minuto ang lumipas, pumasok na si Mr. Manalo sa aming classroom. Siya ang Music Teacher namin. Dating gawain, sinimulan na naming pumunta sa mga ka-grupo namin para magpractice para sa aming Sem-Project. Kailangan kasi naming tumugtog. Tatlo lang kami sa grupo. Ako, si Joyce at isa pang lalaking halatang patay na patay kay Joyce, pero hindi ko kilala.

"After you settle down, I have some announcement to make." Seryosong sabi ni Sir, habang inaayos ang kanyang mga gamit.

Biglang tumahimik ang klase. Natakot kase kami sa kung ano ang magiging Announcement ni Sir. 

"Okay. Class, I would like you to welcome a new student here in WPU. Hindi ko alam kung sa Music Class niyo lang siya magiging kaklase, or what. Basta be good to him dahil anak siya nang isa sa mga nagmamanage ng WPU. Uhm, Sir.. Please come in.." 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ang papasok. Siya Nga. Yung lalaking nabunggo ko. Pabilis ng pabilis ang tibok ng dibdib ko. Ang gwapo niya. Pero yung mata niya talaga. Ayun yung palaging nakakakuha ng atensyon ko. 

"Girl, diba ayan yung guy na nabunggo mo kanina? Yieeee. Mukhang pinagtatagpo talaga kayo ah." Bulong na asar sa akin ni Joyce.

"Please introduce yourself to the class." Sabi ni Sir, habang naglalakad papalikod.

"Good Morning everyone. My name is Cyrus James Santiago. CJ na lang. Nice meeting you all." 

"Okay. Nice meeting you as well Mr.Santiago, now sinong willing dito na isali si Mr.Santiago sa grupo nila?" Tanong ni Sir.

"Girl, this is your chance, taas mo na kamay mo! Hahaha." Biro sa akin ni Joyce.

"Ano ba? Tigilan mo na nga ako." Sabi ko, nang mapansin kong namumula na ang aking mga pisngi.

"Oh, eto pala eh. Dito ka na lang kila Ms. Ponce, tatlo lang pala sila sa group nila. Okay lang ba Ms. Ponce?" Tanong sa akin ni Sir.

"Uhmmm. Sige po." Mahina kong sagot.

Shet. Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko nang makita kong papalapit na siya sa amin. Sinubukan kong pigilan ang sarili ko, pero hindi ko kaya. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Sinubukan kong patugtugin ang electric piano ko, pero parang nanghihina ako. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love At First NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon