Forever?
Ano nga ba ang forever?
Kung ako kasi ang tatanungin kay God lang may forever. Hindi naman kasi ako nagmamadali sa pagkakaroon ng relationships eh, or should I say, wala talaga akong plano magkaroon? Yung iba kasi sadyang na cu-curious lang about sa love, at hindi ko naman sila masisisi.
Meron pa nga silang nalalaman na true love can wait eh, pero makakita lang ng maganda at gwapo mahal na agad? Di man lang dumaan sa Crush? Tss. Mga pauso nila!
Ako si Yuki Fajardo. 17 years old tinaguriang book worm sa Campus namin. Feeling ko kasi di' ako mabubuhay ng walang nanabasang libro eh. Yung iba pa nga nerd ang tawag saakin, pero dahil ako yung klase ng tao na walang pakielam sa sinasabi ng iba binabalewala ko na lang lahat yun. Pasok sa tenga labas sakabila, yan ang routine ko. Tsaka may buhay din sila kaya yun na lang ang pakielaman nila. Wag yung akin ka bwisit lang.