"What the heck?! anong klaseng quiz to!" sigaw ko. Binigyan kami ng quiz ngayon sa P.E. pero pusit naman oh! Bakit about love? anong connect sa P.E. nun? plano ba kaming pabagsakin ni Ms?
"Shhh, baka mapagalitan ka Yuki. Just answer it, okay?" bulong ni Winnie. Eh, ano naman pake ko? mas gusto ko pang ma zero kesa sagutan to noh. Wala naman kaming matututunan dito, puro kalandian lang tss. "Nako Yuki. Bahala ka bumagsak" I looked at her and rolled my eyes, masyadong takot sa grades.
Huminga ako ng malalim. Tinignan ko yung papel at binasa, bahala na kung anong maisasagot ko.
1. Do you believe in Forever?
Ugh! anong isasagot ko dito?
SAGOT: Tanga, walang forever haha.
Ayan! sure akong perfect ako dito! hahaha.
2. What is Love?
SAGOT: Love is a word.
3. Do you have a romantic bone?
SAGOT: never.
"Pass your papers" sabi ni Ms. Pinasa ko naman yung papel ko sa harap. Putik! pamatay na quiz to ah. Sakit sa bangs infernes. Bigla naman akong nakaramdam ng antok, binaon ko yung ulo ko sa desk. Boring sarap mag cutting eh. Gigising na lang ako kapag lunch na para masaya. What a bright idea diba?
==============================================================================
*Kring kring*
Agad akong tumayo sa desk at kinuha ang novel na binabasa ko sa locker. Sa wakas lunch na din. Bumaba na ako at pumunta ng Cafeteria. Naghanap ako ng vacant seat malapit sa dulo para naman walang maka-istorbo saakin sa pagbabasa. I stand, oorder muna ako ng pagkain sa counter dahil nakaramdam na din ako ng gutom.
Pero nung pabalik na ako, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang lalaki na hawak ang novel ko. "What the hell are you doing?!" gigil na gigil na sigaw ko. Wala siyang karapatan na hawakan ang gamit ko! at lalo na't hindi siya nag-paalam saakin.
Tumingin siya saakin. "Is this yours?" tanong niya.
Lumapit naman ako. "Pansin ko nga akin yan." Padabog kong kinuha yung libro ko sakanya. "Don't touch my things! kadira ka. Baka mamaya may virus pa siya. Eww.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Baka gusto mong bilan pa kita ng milyon niyan?" mayabang na sabi niya. May gana pa siyang maliitin ako siya na nga tong pakielamero!
"Excuse me? umalis ka na diyan. Gutom ako" Mataray kong sabi. Pero hindi parin siya umalis sa harap ako tinitigan niya pa ako head to toe. Aba't anong akala niya basta basta na lang ako magpapatalo? syempre tinitigan ko din. At nung tumagal na, medyo naluluha na yung mata ko at hindi ko na kaya gutom na koooo! kinusot ko yung mata ko. Bwisit, ang sakit!
"Looser." Tapos ay umalis na siya. May pagka-bastos din eh no.
===============================================================================
XIAN POV
Ako si Xian Dela Vega, nag-iisang anak nina Martin Dela Vega at Veronica S. Dela Vega. Kilala sila sa pagiging business tycoon at sa fashion industry. Sa katunayan, nag momodel na din ako sa mga sikat na entertainment at minsan extra sa mga Movie.
Nung makita ko yung novel na binabasa nung babae agad ko itong kinuha. Medyo namangha nga ako kasi parehas kaming book worm nakakatuwa lang pag may kaparehas ka. At ang mas ikinatuwa ko ay hindi niya ako nakilala kanina. Mas pipiliin ko kasing makisama sa mga normal students kesa sa mga popular. Mas masarap kasi ang buhay pag walang nakabantay sa mga kilos mo, masasabi ko lang na ganyan talaga ang buhay ng mga business tycoon.