Chapter 5~~

39 1 0
                                    

            Pagkagising ko wala na si Yuki sa tabi ko. Tumakbo ako sa kwarto ni Shiina para malaman kung saan sya pumunta. Wala din si Shiina! Saan naman sila pumunta? Iniwan nalang nila ako ng basta-basta! Hindi tama yun noh! Nagbihis ako agad at nagtaxi papunta sa bahay nila Yuki. Pagdating ko wala nang tao sa bahay nila.

*Rrrrrrriiiiinnnnngggg!!!*

Tumunog yung cellphone ko't sinagot ko.

"Hello?" Tanong ng tumawag sakin

"Sino 'to?" Tanong ko

"Bebebroooo! Si magandang ate mo 'to!" Si Bruha lang pala yung tumawag =__=

"Bakit napakasaya mo? Atsaka bakit hindi mo man sinabi sakin na-aalis ka-agad si Yuki?!" Galit na sabi ko

"Hindi ba sinabi ni Yuki yan kagabi?"

"..." napatahimik nalang ako sabay patay ko ng cellphone ko. Nagtaxi ako papuntang bahay habang iniisip ko yung nangyari kagabi

"I love you too" hinding-hindi ko makakalimutan boses nya..

May kumatok sa pinto ng bahay namin. Binuksan ko at nakita ko si Shiina. Umiiyak siya't pulang-pula yung mukha nya

"Anong nangyari sayo?!?!"

"Bebebro... si Yuki..." sabi nya habang umiiyak

"Anong nangyari sa kanya?! Nadisgrasya ba sya sa eroplano?! Nahimatay? Namatay? Ano?!?!?!?!" Naiiritang sabi ko

"Grabe ka naman!" Naluluha parin si Shiina

"Ano ngang nanyari?"

"Hindi ba pwedeng...  NANALO SIYA SA CONTEST? WHOOOOO!! TSAKA ITONG LUHA KO TEARS OF JOY TO! MAKIKITA KAMI SA TV!" Hindi nga? Totoo ba 'to? Sa totoo lang akala ko lumipad na si Yuki papuntang States!

"HUH?!!?" Poker face ko

"OO! NAGCECELEBRATE NA SILA NGAYON SA BAHAY NILA! MAKIKILALA NA LALO YUNG SCHOOL NATIN!" Sa sobrang saya ko niyakap ko si Shiina ng mahigpit "Hindi ba sinabi ko sayo yun kagabe?"

"Hayaan mo na! XD ang importante nanalo siya" sobrang saya ko para kay Yuki!

"Punta tayo kila Yuki! Dahil ako ang nag gabay at nagtduro sa kanya mag piano dapat kasama ako sa PARTEEEEYYY!!!"

"Hahaha! Wait lang palitan ko lang damit ko!  Mga sosyal yung mga nandun kaya dapat magpalit ka na din!"

"Hindi ko na kailangan magpalit. Maganda na ako!"

"Pssshh =_= mukha kang bruha" sabi ko sa kanya

"CheH!"

             Papunta na kami kay Yuki. Napaka saya ko talaga para sa kanya! Habang nagmamaneho ako, inaayos na ni Shiina yung damit at buhok nya.

"Akala mo umalis na si Yuki noh?" Sabi ni Shiina

"Huh? Oo pano mo nalaman?" Tanong ko

"You know, your sister knows everything!" Tumigil siyang magsuklay tas' ngumiti sakin

"Ahh ganun ba .. Pano pala ako tumae?" Pabiro kong tanong sa kanya

"EEWWW!!! KADIRI KA!" sigaw ni Bruha

"Oh? Pano nga?" Tawa lang ako ng tawa. Ang panget kasi ng mukha niya XD.

"Imbis na maayos usapan natin!!!" Sabay tulak sakin

"Ui! Baka madisgrasya tayo dito!"

"Sorry naman! Ikaw kaya may kasalanan!" Sigaw ni Bruha

"Manahimik ka na nga haha. Pero pano mo nga nalaman?"

"Panong hindi ko malalaman! Pinatay mo agad yung phone mo!"

"Ahh .. " pssshh =__=

"Next week aalis na si Yuki.."

"Kailangan ba nya talagang mag aral doon?" Tanong ko kay Shiina

"Oo, nandoon kasi yung kuya nya kaya doon siya atsaka yung kuya nya yung nagpapa-aral sa kanya kaya wala siyang magagawa." Nung sinabi niyang walang magagawa si Yuki, napatahimik nalang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho.  "Oh.. bakit bigla kang tumahimik?"

"... wala.." sagot ko kay Shiina

"Ayaw mo pa syang umalis noh! Haha!" Tawa nya

"Ano naman sayo?"

"Nakita mo ba 'tong hikaw ko? Galing to kay Yuki. Sinuot ko to para sa kanya. Ikaw?"

"Ano?" Sabi ko kay Shiina

"Nabigay niya na ba yung Shell?"

"Pano mo nalaman?"

"Hay naku Jun.. Ulet ulet! Your sister knows everything! Except sa pag poopoo mo." Sabi sakin ni Shiina na Pabiro "Alam mo ba nung unang pumunta si Yuki sa bahay natin, excited syang makita ka?"

"..hindi."

"Tapos nung gusto nya nang umalis, pinabayaan ko nalang siya dahil sa hindi mo pagrerespeto sa kanya. Pero sa totoo lang feeling ko ayaw nya umalis nun sa sobrang saya." Napatahimik ako sa mga sinabi ni Shiina

         

I MISS YOUR REFLECTION: "She's my Pink Girl"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon