One Shot Story: "My 17th Birthday"

7 1 0
                                    

[2nd Photo]

I thought it was just a simpleng paso na may pekeng bulaklak sa itaas nito.

But that was two months ago nung naisip ko yun. I first saw this mula sa package na dumating samin from out there. Kahit favorite color ko siya, dedma ako kasi paso lang siya, walang gamit. In short DISPLAY. Ang ganda niya nga sa mata kaya nilagay ko lang siya sa ibabaw ng TV. But I never knew that itong paso na ito ay may kakaibang taglay na kayang baguhin ang mood ko.

[1st Photo]

Mga one month ago, nakita ko siya nakalagay na sa red na lalagyan. Pero nasa may TV pa din. Sabi ko nun, "bakit kaya anjan na siya?" "Bakit nasa lalagyan na? eh wala namang silbi yan. Paano magiging display yan kung nanjan sa loob."

[3rd Photo]

Last September 28, 2014. Linggo. A day before my birthday. Also, a worst day. Ang daming nangyari sa akin kaya nasabi kong masama ang araw na yun. Fast Forward, 5PM. Paalis ako ng bahay kasi pupunta na ako sa dorm ko sa Manila kasi nga may klase kami kinabukasan ng umaaga kaya I need to go there para maka-abot ako sa practical. So nag aayos na ako ng gamit ko, pinagmamadali na ako ng nanay ko to the point na paulit-ulit niya akong tinatawag from upstairs, umalis na daw ako kasi baka maabutan ako ng ulan, ganto ganyan, anong oras na baka madukutan ako, nagpapanic ang utak ko kasi nalilito na sa mga dapat kong dalhin isabay pa yung armalite ng nanay ko. Biglaan ko kasi nalaman na may pasok kinabukasan. Before that time, nagsusungit ako sa nanay ko kasi pabag-bago siya magdesisyon. TAPOS NAGBAGO NANAMAN DESISYON NIYA! Sa Quiapo na lang daw kami, anong oras na rin kasi di pa ako tapos mag ayos ng gamit na dadalhin ko sa dorm >_< No matter what, ayoko talaga ng ganung moment na yung utak ko nag - aano na, yung kilos ko wala na wisyo, na di ko na ma explain ng maayos ngayon yung naramdaman ko nun XD ANG HECTIC tapos pabago-bago ng desisyon. In short, nabadtrip nanaman ako. That day kasi, sa napansin ko, in every good thing, may masamang nangyayari agad. KAINIS. Punung-puno na ako e. WAla na ako masabi basta kainis :/ FAST FORWARD ULIT.

Habang nag-aayos ako ng gamit, tinawag nanaman ako ni Mama. 

Me: "Ano nanaman?" (Pasigaw, kasi nasa taas ako, mula sa kwarto)(Ang bad ko. Nadala na ako ng emosyon at mga pangyayari. Sorry) 

Mama: "Oh! Ang sungit mo!" (Inabot niya yung nasa 3rd photo sakin)

Me: "Ano to?" (habang pabalik sa kwarto, ganda ko kausap :3)

Mama: "Di ka marunong magbukas niyan? Buksan mo sa ilalim! Ignorante ka."

Me: *rushes in the kwarto*

Guess what. Pagka-open ko. Grabe ngiti ko abot tenga. Mas maganda sa mata nung nakita ko na yung loob ng paso. ADVANCE BIRTHDAY GIFT NIYA SAKIN! Kahit hindi galing sa kanya mismo yun, na surprise ako na parang feeling ko may nag propose sakin XDD 

Imagine. Nakita ko siya (yung paso) 2 months ago, kung alam ko lang na may laman yun, baka noon pa lang e soot ko na yun XD

Yung sing-sing. Yun talaga yung gift ni mama. Ganda nga e. Pang enggagement XD Naisip ko lang, mom was trying to make this day a better day kaya binigay niya agad yung gift kahit pwede naman niyang ibigay pag kinagabihan na kasi magkasama pa rin naman kami pero binigay niya agad.

LESSONS LEARNED: Don't judge the book by its cover. Don't be ignorant De joke lang XD There's a rainbow always after a THUNDERSTORM. Kahit gaano kasama ang araw mo, still may kapalit pa rin na magandang mangyayari. Just wait for it. Trust.

PS: Pasensya na po sa construction ng story. XD Hirap talaga ko iexpress in a better way ang mga nasa utak ko atleast nagpa-practice ako. Sana nga e naintindihan niyo yung story kahit papano >_< Pwede naman magtanong e XD SALAMAT.  

~END *drops the popcorn* *bow*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Story: &quot;My 17th Birthday&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon