Double Personality Disorder

6 3 0
                                    

Double Personality Disorder
by: GellPen

Kamakailan lamang, isa sa mga naging mainit na usap-usapan ng sambayanan ay ang biglaang pagtalon ni Lea Gonzaga mula sa sinasakayan naming helicopter pabalik ng Manila. Saksi ako sa kanyang biglaang pagtalon na siyang dahilan kung bakit nagkapira-piraso ang kanyang katawan matapos bumagsak sa kalupaan. Nakakabigla dahil sino ba naman ang taong tatalon sa isang lumilipad na helicopter? At ang pinakasikat na artista pa ang gumawa.

Nagtataka ang lahat kung bakit biglang nangyari ito sa kanya gayun ay makikita sa telebisyon na ang saya-saya at ang sigla niya. Bakit gayun na lamang ang kadesperada nitong tumalon at kitilin ang buhay nito? Matalik kong kaibigan si Lea at ni minsan ay hindi ko nakita ang negatibong pag-iisip nito. Sabay kaming nangarap hanggang sa makilala siya ng sambayanan dahil sa anking ganda at talinong siya rin ang nakahila kay Johann de Vera, sikat na manager. Si Johann ay ang pinakamayamang manager ng bansa, siya ang naging dahilan kung bakit mabilis na nakuha ni Lea ang mga pangarap nito sa buhay. 'Di naglaon ay kinuha niya rin ako upang may kasama si Lea at pinakilala sa lahat.

Masakit sa akin ang nangyari dahil mula pagkabata ay kami na ni Lea ang magkasama sa buhay. Sino man ang higit na nasasaktan ngayon ay ako 'yon. Nagtataka rin ako kung paano at bakit niya ito ginawa samantalang napakarami siyang mga pangarap. Dahil sa pagtataka ay hindi ko maiwasang mangialam sa kanyang pagpapakamatay.

Mga taga-medya "Anong masasabi mo Sir. Johann de Vera sa nangyari kay Ms. Lea?"

Si Sir. Johann "Still doubting kung bakit niya iyon ginawa. Napakaganda ng kanyang buhay kaya ang hirap isipin kung bakit ganun na lamang ang ginawa niyang pagkitil sa kanyang buhay. Masyado akong nasaktan sa nangyari!" mangiyak-ngiyak na ani ni Sir. Johann.

"Sa tingin niyo po, aksidente ba ang nangyari o kaya naman may kung sino ang tumulak sa kanya?" insultong tanong ng isang taga-medya.

"Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang nangyari in fact kasama namin si Dana sa loob ng helicopter nung mangyari 'yon." turo ni Sir. Johann sakin.

Dali-dali namang nagsilapitan ang mga taga-medya patungo sa akin.

Mga taga-medya "anong..." hindi na naituloy ng taga-medya ang kanilang sasabihin dahil agad akong nagsalita sa kanilang harap.

"Oo, kitang-kita ng aking dalawang mata ko ang nangyari. Sinadya niyang tumalon pero nakakasigurado akong may malamim na dahilan kung bakit niya nagawa 'yon." ani ko habang nakatingin kay Sir. Johann na natulala lang dahil sa aking sinabi.

"Anong ibig mong sabihin Ms. Dana?" mga taga-medya.

Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha "Kilala ko siya, simula pagkabata ay kami na ang magkasama. Kaya nakakasigurado akong may dahilan ang kaniyang pagpapakamatay." ᴡʜɪᴘᴘɪɴɢ ᴍʏ ᴛᴇᴀʀs

Hindi ko alam pero sa tuwing nagsasalita ako sa harap ng taga-medya ay parang nagagalit si Sir. Johann. Hindi ko mawari kung bakit pero ipinagpatuloy ko lamang ang pagsasalita sa harap ng mga taga-medya.

Nagtataka lang kasi talaga ako kung paano at bakit nagawa ni Lea ang kahindig-hindig na pangyayaring 'yon. Tama si Sir. Johann, napakaganda ng kanyang buhay ngayon dahil sa mga natatanggap na parangal kaya sigurado akong may ibang dahilan ang kanyang pagpapakamatay.

Nang matapos ang aming pakikipanayam sa mga taga-medya ay napagplanuhan ko na pumunta sa condo ni Lea dahil hindi pa rin maliwanagan ang aking isipan sa mga nangyayari. Nagbabakasakali kasi na baka makakuha ako ng impormasyon tungkol sa mga nangyari.

Kaibigan ko siya pero wala naman siyang nababanggit na problema niya sa'kin kaya kinukutoban ako. Sana nga ay tama ang aking hinala na may tao sa likod ng pagpapakamatay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DOUBLE PERSONALITY DISORDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon