MJ's POV
Pano na yan MJ?! Ano ng gagawin ko?!
Napatingin sila sakin lahat.
"Sorry po!" Sabi ko at yumuko. Dahil nakabasag ako ng isang maliit na vase.
"Alam mo ba kung magkano yan?" Sabi nung nandun sa sofa. Halatang masungit siya.
"Magkano po ba yan? Babayaran ko nalang po!" Sagot ko habang nakayuko parin.
"125,000 pesos" sabi nung naglalaro at sumagot din ang kambal niya "Bayaran mo nalang yan"
Di pa ako nakakakita ng ganong pera!
Pumasok na yung dalawa sa labas at nananatili lamang ako sa pwesto ko.
"May pera ka ba?" Sabi nung naka salamin na lalaki.
"W-wala po" Nagulat si lang lahat sa sinabi ko
"Pano ka nakapasok dito kung wala kang per-" pinutol ng lalaking naka salamin yung sinasabi niya. "The smart girl from Cebu, yung lola niya nag-papaaral sa kanya."
"Alam ko na!" Sigaw nung isa sa kambal. Tinignan niya yung kambal niya at sabay nilang sabi. "Ikaw ang mag panggap na girlfreind ni Collin!!" tinuloy niya, "Kailangan niya kasi ng magpapanggap bilang girlfriend dahil dadating na daw and kanyang parents from Singapore, and they look forward in meeting his girlfriend, dahil pag wala daw siyang girlfriend ay family niya ang maghahanap ng mapapangasawa niya.. That's what you need to do dahil wala kang pera." Sabi nung isa at nag smile.
"Girlfriend? Singapore? Asawa? Collin?" Sagot ko na mukhang naguguluhan "Sinong Collin?"
"Ugh. That's me." Sabi niya. "Collin Edwards."
"Oh yeah. Di pa kami nagpapakilala. I'm Keatan Kurt Gonzales" siya yung naka salamin.
"Dane Calder" siya yung nasa labas kanina kasama ni Keatan daw
"Hello! We're the Silverstein twins!" sabi nila nang sabay. I'm Dylan Silverstein! At ako naman si Ryan Silverstein!" sabi nila napaka hyper nila. "We're born here, in the Philippines!" Sabay kindat. "Sila kasi hindi..." sabi nila ng pabulong.
"Ay hello ako pala si Ace. Ace Montibañez, gusto mo?" Pagaalok niya sakin ng... TUBIG. -_-" "Hahaha hindi joke lang." sabi niya at ininom ang tubig.
"Well, kung tinatanong mo kung bakit eto ang ginagamit naming kwarto, dahil binigay to samin ng principal, kesa daw kung san san kami nag gagala. At ikaw ang unang taong pumasok dito dahil walang naglakas loob na pumunta dito dahil hunted daw to pero hindi naman, at tago kasi to. Kaya pano ka dito na padpad?" Sabi ni Keatan
"Madali lang." Panimula ko. "Hmmmm?" mahinang sabi ni Dane na parang ineteresado malaman.
Huminga ako ng malalim. At tinuloy ang sasabihin ko. "Naligaw ako."
"Ha?!" Sigaw ng kambal
"At hindi ko na alam kung paano ako babalik. Naghahanap ako ng room na tahimik para makapag aral pero dito ko napadpad."
"Ahhhhhh." Sabi ni Keatan
"Okay okay. Back to topic. Siya na yung magpapanggap na girlfriend ni Collin." Sabi ni Ace. At hinila ako at pinaupo. "Okay let's start the interview"
"Interview?"
"Yup. Paano ka kumain?"
"Kukuha ng kutsara at tinidor at kakain na. Yung kutsara sa kanan at tinidor sa kaliwa, yung kutsara para sa kanin yung tinidor sa ulam."
"Hindi! Paano ka kumain kung madaldal ka ba, parang ka bang asong hindi nakakain ng isang linggo o makalat ka ba kumain o tinataas mo ba yung paa mo sa upuan o sa mesa habang kumakain. Ganun."
"Ahhhh. Okay. Tahimik akong kumain, hindi ako aso. Dahil nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw , hindi ako makalat kumain, hindi ko tinataas yung paa ko sa upan, at hindi ko kayang itaas ang paa ko sa mesa. Kahit galing akong Cebu tinuruan parin ako ng tatay ko ng tamang asal."
"Okay okay. Check, anong klaseng damit ang mga sinusuot mo."
"Casual"
"Tigilan niyo na nga yan." Sabi ni Collin.
Tumawa si Ace at sinabing: "Bakit ayaw mo sakanya?"
A. R. A. Y.
Tinanggal ni Collin yung libro sa mukha niya lumapit sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"I'm giving you two months para mag mukhang tao." Sabi niya sakin at lumabas.
-End of Chapter-
BINABASA MO ANG
Stalker Queen,Torpe King
Teen FictionBabaeng pursigido mag-aral para sa pamilya. Lalakeng pursigido mag-aral para mapansin ng pamilya. Parehong manhid. Pinagtagpo ng tadhana. Magkakasundo kaya?