Umuulan. Tumatakbo ako sa ulan galing school, papuntang ospital. "Bakit? Bakit? Bakit ngayon pa?!" tanong ko sa isip ko habang nakayukong tumatakbo sa ulan. Ayokong tumingin, mga pamilyang magkakasama. Mga pamilyang sama-samang kumain. Hindi ko nalang namalayan na nakapunta na ako sa ospital. Hingal na hingal ako. Pero dali dali akong pumasok at sinabing "Maria Lani Villafuerte? Saang room sya?" hingal kong sabi. Nagulat pa yung nasa information deck, kaya napakunot ako ng noo. With the look na "Anong problema?" siguro dahil na basang basa ako o dahil sa kulay ko? Oo may pagka maitim naman ako pero di sagad. XD "Sa room 403 po ma'am" sabi nito pagtapos akong pagmasdan. "Sige thank you" Dali akong tumakbo papunta sa room 403. Nang hanap ko na saktong kalalabas lang ng doktor sa pinto. "Relatives with Ms. Villafuerte?" Tanong nito at agad kong sabi: "Yes, her daughter." Parang tumigil ang mundo ko sasunod na narinig ko. "She had a fatal Cardiogenic Shock, mukhang may kina-shock sya at biglang nagkaroon ng blockage sa pipes ng puso nya and that results of an heart attack." Biglang tumigil ang mundo ko nang narinig ko yun. "Ito ay isang condition na nag wea-weaken ng heart and is not able to pump enough bood. Mukhang matagal na siyang may ganto kaya ito naging fatal. May napansin ka ba sakanya nang mga nakaraang araw?" tanong niya. Ano bang napansin ko kay mama noong nakaraang araw?
Hindi na sya masyadong nagiging alerto, madalas na nagpa-pawis, maputla at malamig minsan ang kamay at paa nya. Yun ba ung symptoms?
"Umm, Ms. Villafuerte?" Bigla akong natauhan at doon sinabi ko yung mga nangyari sakanya. At yun nga na-confirm na fatal ito pero bigla nalang may lumabas na nurse sa kwarto at may sinabi sa doktor at dali dali pumasok ang doktor sa loob,sinubukan kong sumunod pero piniilan ako ng nurse. Kaya nag hintay ako sa labas.
Biglang pumasok sa isip ko yung mga nangyari sakin "Ako si Jewel Marie Villafuerte.Mas kilala sa MJ isang mahirap na babaeng nagaaral lang sa public school. Nakatira sa Cebu. Maitim pero may tamang tangkad. Pinaka matalino sa klase at na trauma sa bullying. Naranasan kong masabunutan ng kaklase at matawag na negra dahil maitim ako. May mga nagsasabing hindi ako mag kaka-boyfriend dahil sa itsura ko. Wala akong panahon dun. Hindi ko pa naranasang mag mahal. Dahil kailangan kong mag-aral para sa pamilya ko." Paulit-ulit yan sa utak ko kasama ang mga masasaya kong alaala. Hanggang lumabas na ung doktor.
"I'm sorry Ms. Villafuerte, ginawa namin lahat ng makakaya namin, pero hindi nakaya ng katawan nya." At nilagpasan nalang nya ko. Pumasok ako sa loob at nakita. Nakita ko ang malamig na bangkay ni mama. Bakit? Paano?
Dumaan ang araw. Umuwi din si papa pero dalawang linggo lang syang nanatili
At bago ang araw ng alis na si papa may sulat na dumating sa kanya. Binasa nya ito. Ang nakalagay:
Dear Mr.Villafuerte,
Nais lang po namin ipaalam na kukunin na namin ang anak mo upang mag aral sa Manila dahil walang magbabantay sa kanya, aalis naman po kayong papuntang States upang magtrabaho. Wag po kayong mag alala dahil ibibigay ng Villafuerte Empire ang lahat ng pangangailangan ng inyong anak.
Sincerely Yours,
Villafuerte Empire
Nang nabasa ito ni papa nilukot nya ang papel at mukhang galit sya. Habang naluluha na ako. "Hindi, hindi ko iiiwan ang lugar na to!" sigaw ko nang nagmamakaawa kay papa. "Anak ito lang ang paraan. Diba gusto mo pumunta sa Maynila? Dahil maganda ang mga pinag aaralan dun?" Sabi ni papa. "Matapos ka nilang palayasin? Kunin lahat ng ari-arian nyo ibibigay nyo ko sa kanila?Ayokong pong pumunta sa lugar na yun. Parang awa nyo na. Kaya ko naman pong tumira dito." Yan kasi ang nangyari. Pinalayas si papa dahil mahirap lang daw si mam, dapat sa iba ikakasal si papa pero mas mahal nya si mama kaya pinagpilitan nya. At binigyan ng isang condition si papa. Ang lumayas sa Villafuerte Empire. Nandun ang lolo at lola ko. Ayoko silang makita. Hindi ko mahahalo ang itsura ko sa mga mayayaman. "Alam ko. Pinalayas nila ako dahil mahal ko ang mama mo, alam kong kaya mong ipaghiganti ang pamilya natin. Alam kong kaya mo anak."
BINABASA MO ANG
Stalker Queen,Torpe King
Novela JuvenilBabaeng pursigido mag-aral para sa pamilya. Lalakeng pursigido mag-aral para mapansin ng pamilya. Parehong manhid. Pinagtagpo ng tadhana. Magkakasundo kaya?