T.P-2

194 9 6
                                    

Masaya akong nag lalaro sa isang park habang hinahabol ang isang paroparo . Ang tagal kasi ni Justine e .

Habang tumatakbo ako ay natisod ako . Huhuhu ayan! Nag kasugat tuloy ako sa tuhod! Hala! Naalala ko yung sinabi nila mama at justine! Na may lalabas na tren! Huhuhuhu!. Teka nga panu naman mag kakasya yun?

" sweetbaby! " nakita ko si justine na tumakbo papunta saakin. Galing ba siyang school? Naka uniform pa e..

"T-tin tin ! Bakit ngayon ka lang?" Inalalayan niya ako tumayo inilagay niya ang bag niya sa harapan niya at saka ako pinasan.

" cleaner ako eh sabi ko naman sayo mag iingat ka pag wala ako " iniupo niya ako sa upuan at saka may kinuha siyang first aid kit sa bag niya

" ano yan? anong ggawin mo? " tanong ko

" gagamutin ka" nagulat naman ako sa sinabi niya..

" wag na! Masakit ! maliit lang naman eh! "

May mga gamit siyang kinuha sa bag at saka inumpisahan gamutin ang sugat ko.

Matapos ng ilang saglit natapos din ang ang ginagawa niya

" oh diba! Natapos rin! Whoo! " tumayo siya pumikit ako saglit dumilat ako pero nabigla ako sa makita ko

Nakaupo parin ako sa inuupuan ko pero nag iba ang buong paligid ang isang magandang park ay nag bago sira sira ang mga swing at halos lahat ng gamit ay hindi na mapapakinabangan pa , tila nalanta ang mga halaman maraming kalat sa paligid pero ang mas umagaw ng aking pansin ay ng mga bahid ng dugo sa paligid.

"Tin-tin?!" Tumayo ako at inumpisahang hanapin si Justine kahit masakit ang tuhod ko

" sweetbaby……"  tinig ni Justine na galing sa malayo na siyang dahilan kung bakit napalingon ako sa buong paligid

"Justine ?! Nasan ka na?! Wag mo naman ako pag laruan!" This time natataranta na at nagagalit na ako kasi tinawag ko siyang Justine sabi niya hindi niya ako iiwan!.

"Sweetbaby..." sabi muli ni Justine

" Justine ano ba?! Wag mo akong pag laruan!" Ngayon umiiyak na talaga ako! Natatakot ako sa buong paligid pakiramdam ko mag zombie na lalabas dito huhuhu.

" my sweetbaby" ngayon sobrang lakas ng boses niya at alam kong nandito lang siya pag kaharap ko sa likod ay nakita ko si Justine .

Nakangiti siya saakin at nakatayo ang pogi pogi talaga ng bestfriend ko lalo na kapag nakangiti timigil ako sa pag iyak dahil nakita ko na siya.

" oh bakit umiiyak ka? Diba sabi ko ayokong nakikitang naiyak ka?" Pag kasabing pag kasabi niya noon at tumakbo ako papunta sa kanya para yakapin siya pero tila tumagos lamang ako at bumagsak sa sahig tinignan ko siya na nakatalikod parin.

" lagi akong nasa tabi mo sweetbaby" dahan dahan siyang humarap saakin at napasinghap ako sa nakita ko

Si Justine nakangiti pero duguan at may tama ng baril sa dibdib basa din ang buo niyang katawan tila binuhusan ng tubig.

"T-tin. T-tin?... " hindi ko mapigilan ang luha ko at tuluyan na akong naiyak. Tumungo ako

" sh*t .. sweetbaby wag ka nang umiyak" natatarantang sabi niya ngunit hindi siya gumagalaw sa pwesto niya

" Tin- tin sorry " napahagulgol ako sa pag iyak at hindi  parin tumitigin sa kanya hindi ko kayang makita siyang ganyan ang pinipilit ang sariling ngumiti kahit nasasaktan na

" maging matatag ka lagi kitang babatanyan lagi akong nasa tabi mo pangako " napatingin ako bigla sa sinabi niya unti unti siyang lumalayo saakin na tila multong lumalayo.

" tin-tin ! Antay! " habang hinahabol ko siya unti unti namang dumidilim ang paligid tila isang madilim na lugar ang aking pinupuntahan napalingon ako sa aking likuran at dun ko nakita ang park na pinupuntahan ko na pinagawa ng parents ni Justine na nababalot ng kadiliman pag harap ko ay hindi ko na makita pa si Justine

"Justine!" Nanatili ako sa kawalan isang madilim na lugar ako lang mag isa at walang kasama . Sa huli pangalan niya parin ang aking isinigaw.

" Justine!!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon. Langya nightmare nanaman!

I check my phone

5 message's

1 missed call

Binuksan ko yung message 4 gm's and 1 unknown number binuksan ko yung unknown number

- ui m6 iin6ätx kä dîän xa bätän6äx ähh.. e2 n6ä plä n3w no. Couh säv3 nln6 pä6kätäp0x mhōū bxähîn tōh

Pssh wala paring pinag bago kagabi pa tong text ha ganon na ba ako katagal natulog? Anong oras ba ako nakauwi? Hindi ko maalala e.

Nag reply muna ako kay Carlo kahit hindi na siya mag pakilala siya lang kilala kong gnon mag text

- issave ko lang kapag naayos mo na ang text mo.

Yan lang ang sinabi ko

5:30 na pla.

Nag shower na ako. Habang nag s-shower ay hindi ko makalimutan ang panginip ko. Nung mg bata pa kmi nangyari ung ginamot niya ang sugat ko pero hanggang doon lang yun hindi kasama yung nangyari sa panaginip ko kanina..  paulit ulit nag f-flashback sa isipan ko ang itsura niya na duguan

After one hour  natapos din ako mag shower. Oo matagal ako maligo hahaha.. sakto pag kababa ko nakapag luto na ng breakfast

Pag katapos ng breakfast umalis na ako ng bahay para maumpisahan mag hanap

[ Third Person's Pov. ]

Pag kasakay na pag kasakay ng dalaga sa sarili niyang sasakyan ay hinagis niya ang litrato ng binata na nag ngangalang Mark sa passenger seat  .

Nakakailang oras na siyang bumibiyahe at ilang tao narin ang napapag tanungan niya ngunit walang makapag sabi kung nasaan ang binata.

Muling sinilayan ng dalaga ang larawan ng binata lumingon siya sa paligid at hindi niya inaasahan na makikita niya ang binata na nkaupo sa isang swing sa park at malayo ang tingin agad siyang bumaba at pinuntahan ang binata

" ahmm excuse me sir?" Kinalabit ng dalaga ang binata

" yes?" Tanong ng binata sa dalaga

" your Mark Villanueva right ?" tanong ng dala . Magaan ang pakiramdam niya sa lalakeng nasa harap niya ayon ang kanyang nararamdaman.

" yes. Bakit mo natanong? Anong kailangan mo?"  Tumayo ang binata at pinaupo niya ang dalaga nag pasalamat naman ang dalaga sa kabaitan ng binata

" iniimbitahan ka namin sa school na sumali at mag---" hindi natapos ng dalaga ang sasabihin niya dahil nag salita ang binata.

" ayoko " pinag mamasdan ng binata ang kwintas na nakatago sa damit ng dalaga. Kalahati lamang ang nakikita niya pero parang nakita na niya iyon.

" nag kita na ba tayo?" Tanong ng binata at siya namang ikinatawa ng dalaga.

----
11-13-14

The Promise (the promise from the past )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon