T.P-1

238 12 8
                                    

Kanina pa kami nag hihintay sa prof namin 25 minutes late na pag inabot ng 30 minutes dismiss na ang class. Nag lagay nalang ako ng earphone at saka tumungo .

**

" Hernandez ...." tawag saakin habang tinatapik ako

"Hmmm?"

"Hernandez wake up" ano ba?

" ohh ... yeah?" Tanong ko na medyo inaantok

" 40 minutes late na ang prof natin dismiss na ang class pinapapunta tayo sa studio " - luisa. Nakaidlip pala ako

" ohh ok sige susunod ako " pag kasabi ko non ay umalis na siya nag ayos muna ako at saka dumaretso sa studio .

Kasali ako sa grupo ng mga kumakanta dito sa school nilalaban kami sa ibang school o di kaya ay nag p'perform sa stage. May musical stage play din. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok

" good morning Sir. Gomez" pag bati ko

" sit down" -Sir.Gomez

"Ahh sir bakit po? "

" nakausap ko na ang iba mong mga kasama tungkol dito" -Sir.Gomez

"Ahh sir ano po ba yon?" dapat pala sumabay na ako sa kanila

" siya si Mark Villanueva " sabay lapag ng picture sa table na agad ko namang kinuha . Kapangalan ni Justine ha.. kaso ang totoo niyang pangalan ay Mark Justine Villanueva . Eto ay Mark lang

"Anong gagawin ko sir?" Ano naman kasing gagawin ko sa picture na to diba?.

" nasa likod ang address niya taga batangas siya at dahil taga batangas ka dati kaya ikaw ang inutusan ko para diyan matagal na siyang kinukumbinsi ng school natin para makatulong sa school natin at maging bagong mentor dahil kailangan natin siya para sa studio" pag papaliwanag ni sir.

" pero sir hindi po ba pwedeng iba nalang?" Kung tutuusin ok na yun para makauwi sa batangas pero mag kakaron ako ng absent.

" hindi lahat sila may kanya kanyang gawain excuse ka sa lahat ng subject mo hanggat makabalik ka pero one month lang kapag hindi ka nakabalik ng one month na wala siya ibabagsak at tatanggalin kita dito sa studio makakapag umpisa ka na bukas --- Yun lang makakaalis ka na Miss Hernandez" ako? eto nganga hindi ako pwedeng tumanggi?

" pero sir m--" bastos? -,-

"No but's Miss Hernandez " lumabas nalang ako ng office at dumaretso sa parking lot para puntahan si manong.

"Ma'am ang aga niyo po ata lumabas wala po ba kayong klase?" -manong

" wala manong umuwi na tayo " pinag buksan naman ako ni manong ng pinto at pumasok naman ako

Babalik ako sa batangas? Tumawag ako sa bahay at nakakatatlong ring palang ay sinagot na agad

" helo? Good morning wh---" hindi ko na pinatapos yung maid dahil nag mamadali ako

" pakiayos lahat ng damit ko at lahat ng kailangan kong dalin uuwi ako sa batangas ngayon tumawag ka narin sa bahay sa batangas para ipalinis ang buong bahay dadaanan ko yung mga gamit ko kaya bilisan mo " pinatay ko yung phone . Hindi naman halatang excited ako umuwi no? Hahaha

" manong mag papahatid po ako ngayon sa batangas pero kukunin muna natin ang mga gamit ko "

" sige po maam" lagi may po? -,-

" manong wag ka na po mag po ako nalang hehe" nakakailang kasi mas matanda siya tapos nag p-po pa sakin

" sige p--... sige nak " .

After 1 hour

Nakauwi narin medyo traffic pinalagay ko na sa kotse lahat ng gamit ko at saka dumaretso sa batangas.

" nak matulog ka na muna gigising nalang kita kapag nandon na tayo"- manong

"Sige po manong " sumandal ako at saka pumikit at di nag tagal ay nakatulog na ako

.

.

.

" hey ! What are you doing here? This is my playground umalis ka dito!" Sigaw ng isang batang lalake sa likuran ko pero hindi ko pinansin at pinag patuloy ko ang pag iyak

" hey! Are you deaf? O hindi mo ako naiintindihan ha?!" Hinawakan niya ako sa balikan at ihinarap sa kanya pero nagulat siya. Bakit? Madumi ba mukha ko?

" w-why are you crying?" Tanong niya na parang nag aalala

" may *sob* mga batang *sob* nang away sakin " inupo niya ako sa swing at saka kumuha ng panyo

" oh punasan mo yang mukha mo " inabot naman niya saakin yung panyo at ginawa ko naman ang sinabi niya siningahan ko pa

" ewww yuck" arte naman neto itinupi ko ng ayos at iniabot sa kanya

" no thanks itago mo nalang" sabi niya at tumingin sa iba

" ok! Tenchuuu~" akmang yayakapin ko naman siya ng bigla niyang hawakang sa ulo ko at pinipigilang makalapit sa kanya

"Heeep! Its ok your welcome .. wag mo lang ako yakapin" arte no?

" ok sabi mo eh " tinignan ko naman yung panyo at mag nakaburda na pangalan.

"Jus............tene " halos pabulong kong sabi.

" It's Justine not Justene " tumayo siya ng tuwid sa harapan ko

"Helo justine im Aipreme ...... Aipreme Hernandez ,5 years old .Nice to meet you!" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya..

"Mark...... Mark Justine Villanueva ,7 years old and nice to meet you too " tinanggap naman niya ang kamay ko sa sobrang tuwa ko ang niyakap ko siya ng mahigpit.

"H-hey! lumayo ka nga!" Pilit siyang kumakawala saakin pero mas hinig pitan ko pa ang yakap.

"Your my first friend! Oh no! I mean First bestfriend !" Nagulat naman ako ng yakapin niya rin ako

" me too ... at simula ngayon hinding hindi kita iiwan at hindi tayo mag kakahiwalayan my sweetbaby"

" promise tintin?" Paninigurado ko

"Yeah promise.... but wait what did you call me?" Humiwalay siya saakin

"Tintin!"

.

.

.

"Neng! Gising na nandito na tayo"

"Hmmm".. napamulat naman ako dahil sa pag kakayugyog saakin. Mag gagabi na pala.. ang tagal ng biyahe?

Bumaba ako at pinag masdan ang buong paligid.

Im home...

Nakabalik na ako...

nakabalik na ako Justine ikaw kelan ka babalik?

-----
10-26-14

Vote and comment pooo~

The Promise (the promise from the past )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon