Sorry late update! Dapat nung dec.20 pa po to....
------
Hay... nakakaboring naman dito Christmas party namin ngayon pero sobrang boring! Hindi ko alam kung bakit ako naboboring samantalang sobrang saya naman ng mga classmates ko. One month ko na ring hindi nakikita si Jm/bhestie dapat kasi hindi ako nanghusga agad! Ano ba yan!!! Napabuntong hininga nalang ng maalala ko ang lahat
" ang lungkot naman ata ngayon ng nililigawan ko?" Napatingin ako bigla sa nag salita si Carlo lang pala and yes tama kayo ng rinig ay basa pala nililigawan niya ako kahit ayoko take note A-Y-O-K-O pero mapilit siya crush ko lang naman siya at hindi ko hiniling na ligawan niya ako nag talo rin kami ni Mark dahil diyan ewan ko ba kakaiba nga kinikilos niya simula nung nakaraan at minsan nakakaramdam ako ng sakit dito sa puso kapag nakikitang may kasama siyang iba. Ewan ko ba makapag pacheck up nga minsan baka may sakit na ko sa puso at hindi ko pa alam.
" ilang beses ko bang sasabihin sayo? Ayoko pang mag paligaw" tumayo ako saka nag ayos aalis nalang ako dito sa room kung bubuntot ng bubuntot sakin to. Sa totoo lang nakakainis nakakainis pala kapag nililigawan no? Minsan nakakasakal na kahit hindi pa kayo. May pinag babawal na agad siya kahit hindi pa kami pero siyempre hindi ako nasunod bakit niya ako pag babawalan sa gusto kong gawin kung hindi pa naman kami diba?
" pero bakit?" Naguguluhang tanong niya at halata sa boses niya ang pag kainis ilang beses ko na din namang sinasabi na ayoko siya lang mapilit eh. Nakakainis yung ganun tapos sasabihin PAASA ka sana sinabi mo hanggat maaga yung totoo? Mga tanga ba yung mga lalake o nag tatanga tangahan lang? Sinasabi mo na pero parang wala paring naririnig at Go lang ng go
" hindi pa ba malinaw? Ayoko mag boyfriend hindi pa ko handa!" Pag papaliwanag ko. Kahit naman college na ako ay wala parin sa isip ko ang boyfriend- boyfriend na yan. Igaya niyo pa ako sa mga nag boboyfriend diyan sa tabi tabi. Tinalikuran ko na siya at saka umalis sa room namin.Sa totoo lang ilang beses ko ng pinupuntahan sa P.r sila Jm pero ni isa sa kanila ay wala akong nakikita. Kahit ang anak ng may ari ng school na to na si Princess ay wala akong balita kahit si Julie ay hindi ko rin nakikita.Ilang linggo nalang at aalis na si Alyanna sa bahay para umuwi sa bahay nila kasama si Carlo at si Mark? Nakaalis na sa bahay nag kikita parin naman kami nag kukulitan ang saya nga eh.
" hey" may biglang umakbay saakin hindi na ako lumingon pa dahil kilala ko na kung sino siya sino pa ba? Edi si Mark pilit kong pinipigilan ang pag ngiti ko pero hindi ko magawa . Ano ba tong nang yayari sakin nawiwirduhan na ako sa sarili ko .
" yeah?" Tipid na sabi ko at tuluyang pinigilan ang pag ngiti ko mahirap na mapag kamalan pa akong nababaliw dito no.
"Wala lang namiss kita eh" sabi ni Mark kaya ngayon ay hindi ko na napigilan ang ngiti na kanina pinipigilan. Taksil na labi yan -_-. " oh bat nakangiti ka? Kinikilig ka no?" Pang aasar niya habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.
"Che!! Ang yabang mo tss" mabilis kong tinanggal ako pag kakaakbay niya at nag madaling pumunta sa tambayan ko. Sa garden.. umupo ako sa ilalim ng puno at nag isip isip . Bakit nga ba ayoko mag paligaw? Eh crush ko naman siya kaso ayoko pa nga mag boyfriend eh para lang sa malalandi yun diba? .
" bat nag iisa ka?"
" ay tipaklong na naging kalabaw!" Napahawak ako sa dibdib ko ng may biglang nag salita napatingin ako sa paligid upang hanapin yung taong iyon. Narinig ko naman siya tumawa kaya kinilabutan ako kilala ko kasi yung tawa na yonnakakamiss lang kasi. Sobrang namiss ko siya. Dahan dahan ako napatingin sa itaas ng puno at hindi nga ako nag kamali sa nakita ko. Nakangiti siya habang nakatingin saakin saka tumalon mula sa itaas . Umupo siya sa tabi ko saka ako tinitigan. Nakakamiss rin pala ang masamang tingin ng mga mata nitong si bhestie eh. Oo tama si bhestie nga si Jm. Naalala niyo pa? Yung isang buwan ko ng hindi nakikita yung nasampal at napak bintangan ko. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko at na gu-guilty ako dahil sa pang bibintang ko. " baka naman malusaw ako niyan" natatawang sabi niya umiwas naman ako bigla ng tingin
BINABASA MO ANG
The Promise (the promise from the past )
Roman pour AdolescentsA boy who promise to her bestfriend that he will back halina't subaybayan natin kung matutupad ang pangako niya