Chapter 1

114 3 3
                                    




"Good morning world!" sigaw ko.



Tumingin ako sa salamin at...



"Ay pucha!" napalakas ang sigaw ko.


"Bakit? Anong nangyari?" natatarantang tanong ng kapatid ko na nagmula pa ata sa banyo at nakalimutang maghugas ng puwet sa sobrang baho niya.


"Pagkaharap ko sa salamin..." sambit ko.



"Ano? Napano?!" tanong niya muli.



"Nakakita ako ng artista." sabi ko habang tumatawa. Kumunot ang kanyang noo at akmang---


Aba! Hinampas ako ng walang hiyang unggoy! Tumakbo siya palabas ng kwarto ko at bumalik siya sa banyo. Ayos lang, maganda parin ako.


Bumaba na ako para kumain. Peste tong kapatid ko, magluluto na nga lang ng itlog parang pinrito ng dalawang linggo sa sobrang tagal at sa sobrang itim ng itsura nito. At ang malala pa, nakalimutang hiwain yung hotdog, pinrito agad.


"Ano to?" tanong ko sa kanya.


"Alam mo ate, mas maganda kung idonate nalang natin mga mata mo. Nakatulong pa sana sa iba. Hindi mo ginagamit eh." aba sumasagot na 'to ah. Pinabayaan ko nalang ito at ako'y kumain na. Puchang pinanganak sa lupa. Ang alat.



"Hoy Tiago! Kung may balak kang patayin ako, dapat sinabi mo nalang agad sa'kin! Ako nalang mismo papatay sa sarili ko!" sigaw ko sa kanya. "Mas pipiliin ko pang papakin yung asin kaysa kainin 'tong itlog eh."


"Nga pala ate. Ibebenta mo ba talaga yung ref natin?" tanong niya.


"Oo eh. 'Wag kang mag-alala kukuha naman tayo ng bago next week." sagot ko.


"Tagal na nito sa'tin ah. May pinagsamahan rin kami nito." sabi niya habang hinahawakan ang ref namin. Sobrang lungkot nito at mangiyakngiyak na.

"Utut mo. Aalis na'ko ah." sabi ko at kinuha na ang bag ko.


Naglakad na ako papunta ng school, malapit lang naman itong bahay namin sa school. Buti nalang. Kung gagamitin ko pa yung kotse eh gagastos pa 'ko para sa gas.

Nandito na'ko sa classroom at...

Time check

7:29 am

Ba't wala pa yun? Late nanaman ba? Tapos okay lang sa prof? Kasi matalino? Kasi gwapo? Hustisya---

Biglang may pumasok sa classroom. Gwapo. Matangkad. Matangos ang ilong. Mahaba ang pilikmata. May mas maganda kilay kaysa sa'kin. Shet. 7:30 am. Hindi siya late. Papalapit siya... Eto na... Grabe...


Umupo siya sa likuran. REALLY?!


"Hoy Mr. Zario Rodriguez!" sigaw ko sa kanya.



"Anong volume 'to pare? Lagpas 100 ata."

"Pustahan abot kabilang building yun."

"Human Alarm Clock."

"Nagtext nanay ko. Nagising daw si lolo ko sa himlayan niya."


Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko. Wala akong pake. Sanay na 'ko. Ang mahalaga sa'kin ngayon ay humarap 'tong walanghiyang 'to.



"HOY ZARIOOOOO!" sigaw kong muli.



"Manalangin na kayo sa lahat ng santong kilala ninyo."

"May lindol ba?"

"Tol matindi pa 'to sa pagsabog ng Pinatubo."

"Mabubuwag yata itong building natin."

"Pare tumayo na raw lolo ko sa himlayan niya."

"Pare nagcrack ata yung kisame."



"What do you want?" tanong niya pagkatapos niyang alisin ang earphone niya sa tenga niya.


"Gago." sagot ko sa kanya 'saka ako ngumiti. Kainis eh.


"Tss. Stupid." mahina niya sabi 'saka umiling.


"Good morning class!" masayang bati ni Ma'am Lorie sa amin.



"Good morning Ma'am Lorie! God bless you, Mabuhay!" masaya rin naming bati.


"So our lesson for today is all about Romantic Period..." nagdiscuss lamang ng nagdiscuss si Ma'am pero nakatingin lang ako sa kanya. Baliw diba? Binato ko siya ng papel pero tinapon niya lang ito sa trash can. May nakasulat pa naman dun :(.


Natapos ang discussion. Break na. Wala na naman akong magawa. Pumunta ako sa tabi ni Zario.



"Uy Zario." bulong ko sa kanya.

"Oh?" wala paring expression sa mukha niya.

"Nasusuka ako." sabi ko sa kanya.

"O tapos?" mukha talagang hindi siya interesado.

"Tatay ka ah." 'saka ko siya hinalikan sa pisngi. Bumalik na'ko sa upuan ko dahil mags-start na ulit ang klase.


Nanlaki ang kanyang mga mata. Tanga talaga.









He's A Bubble MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon