Kabanata 1

11 1 1
                                    

Alexandra POV

Flashback

3 years ago

Galing akong eskwelan ng maabutan ko si mama sa aming tanggapan na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng jeep.

"Oh ma? Ang aga mo ngayon ah? Asaan si papa?" Tanong ko sa aking ina habang hinahalikan ko sya sa kanyang pisngi.

"May meeting pa daw syang tatapusin, alam mo naman na workaholic yung papa mo eh!" Nakangitng sabi ng aking ina.

"Oh sige ma magbibihis lang po ako at magpapahinga lang po ng kaunti." Sabi ko habang umaakyat.

" Sige papatawag nalang kita sa katulong kapag dumating na ang papa mo at magsasabay na tayong maghapunan." Pahabol na sabi ng aking ina. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Hindi ko masyadong ka-close ang aking ina, dahil mahigpit sya sakin sa mga bagay-bagay, mas close ko ang aking ama dahil lagi nya akong pinapayagan at sinusuportahan sa kung ano man ang aking gusto, basta lagi lang lamang akong susunod sa kanyang mga bilin at alam ko kung anung limitasyon ko at mga ginagawa ko! Hindi siya mahigpit tulad ng aking ina.

Habang ako'y natutulog narinig ko na lamang na may kumatok sa aking silid, "Ma'am bumaba na daw kayo at maghahapunan na kayo ng inyong magulang" sabi ng aming katulong,

" Sige susunod napo ako." Inaanto at magalang na sabi nya dito.

Pagkababa ko nga hagdan nasilayan ko ang aking ama ata ina na masayang  kumakain habang nagkukwnetuhan sa hapag na tungkol sa mga business.

Nang sya ay maupo sa hapag ay sya  namang sabay na tanong sa kanya ng ama ang tungkol sa m kanyang pag-aaral.

"Anak kamusta ang iyong pag-aaral? Isang taon nalang makakagraduate kana, pagbutihan mopa sanang mag-aral, alam mo naman na ang gusto ko lang ay ang iyong kabutihan, sana wag ka munang mag-asawa magtapos ka muna sana para magkaroon ka den ng magandang buhay para sa hinaharap mo" mahabang lintaya ng aking ama.

Kahit na may kaya kami, hindi ko padin nakakalimutan ang bilin lagi sa akin ng aking lola Esme na dapat bago ka mag-asawa ay kailangan may natapos ka muna, yung mga magulang ko kase maaga silang nagkapamilya 19 year's old palang ang aking ina habang ang aking ama naman ay 20 nang ako ay nabuo, hindi sangayon ang pamilya ng mama ko sa aking ama dahil masyado pa silang mga bata nang panahon na iyon, pero kalaunan naintindihan ren sila kaya happy-happy na.

Iloveyou DaddyWhere stories live. Discover now