Chapter 3.

10 0 0
                                    

Ang weird naman ng panaginip ko.

Dahil sa nangyari kanina ay parang wala ako sa sarili na naglakad papunta sa school.

Tumawid ako nang hindi lumilingon sa mga sasakyang dumadaan.

Wala naman akong naririnig na bumubusina basta ang alam ko, naka-red naman yung stoplight. Senyales na pwede akong tumawid.

Malapit na akong makarating sa school.

Naalala ko yung relo ko. Umaandar na pala ulit. 8:45 AM na. May 15 minutes pa.

Maraming estudyanteng naglalakad. Kasabay ko. Kasalubong ko. Wala naman akong nababangga kaya diretso lang ang lakad ko kahit nakatungo. Sobrang naguguluhan pa rin ako sa nangyari sakin.

Paano kung totoo? Paano kung yun ang totoo at hindi ang ngayon? Paano kung nakasabay ko nga si Evo? Hindi man lang ako nakapag-hi. :(

Papasok na ako sa gate ngayon. Blanko yung mukha ko. Walang emosyon. Masyado akong maraming iniisip. Dire-diretso pa rin ako kahit nagchecheck yung guard ng ID. Naiwan ko kasi yung ID ko pero mukhang hindi naman nya yun napansin dahil maraming pumapasok.

Umakyat ako ng hagdan. Tumigil ako sa 3rd floor kung saan nandun yung room namin.

Walang tao. Nagtaka ako. Ano na naman kayang weird na mangyayari?

Nagpunta ako sa tapat ng isang room kung saan naroon nakapost yung mga schedule of classes ng bawat section.

Chineck ko. "Hmm. Tama naman ang schedule namin. 9:00 AM. Room 318. Pero bakit wala pa sila?"

Nag-isip ako saglit.

At...

"Teka! Birthday ko nga pala! Ang shunga ko naman at nakalimutan ko yun! Eh. Hindi kaya may surprise party??"

Medyo napangiti ako sa hinala ko. Baka nagpprepare sila ng surprise para sakin. Nakakatouch naman. Pero saan naman kaya sila naroon?

Naupo ako saglit sa tapat ng room. Indian seat, wala kasing upuan eh.

Excited na ako! Ano kayang surprise nila? Sana may cake and balloons! Sana iregalo nila sa akin si Evo! Kahit yun na lang oh! Jackpot na ako dun! ^_^ Sana po. *crossfingers*

Yung lahat ng nangyari kanina, parang nakalimutan ko in an instant. Napalitan ng excitement.

Kaya naman naghintay ako.

10 minutes na ang nakalilipas.

"Ang tagal naman nila."

Tumungo ako saglit para umidlip.

Medyo nakakatulog na ako nang may mga paang naglalakad na dumaan sa tapat ko.

Hindi pa rin ako tumitingingala.

Hinihintay kong may tumawag o kumalabit sa akin.

Pero wala.

Marahil ay hindi nila ako nakilala dahil nakatungo ako.

Maya-maya ay may narinig akong mga boses.

Malulungkot.

Yung iba umiiyak. Pero bakit?

Itinaas ko bahagya ang ulo ko para silipin kung saan nanggagaling ang mga boses.

Saktong pag-angat ko ng ulo ko ay biglang nagsara yung pinto ng room namin.

At nakita ko ang taong huling pumasok dun. Si Evo.

Naka-white t-shirt sya.

Yung damit nya, may bahid ng pulang mantsa.

Parang may kumirot sa bandang puso ko.

***End of Chapter 3***

ONESHOT STORY: "A Wasted Chance"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon