Chapter 1.

26 0 0
                                    


Ang pangyayaring ito sa buhay ko, simple pero komplikado.

Ako nga pala si Trish Garcia. Isang 4th year ECE student sa PUP.

Pagpatak ng 5:00 am. Gigising ako. Kakain. Pagkatapos ay maliligo at magbibihis. Yun ang daily routine ko.

Sasakay ako ng jeep. Magmamasid sa paligid na dinaraanan ng sasakyan para lang hindi antukin sa isang napakahabang byahe. Sa Pasig kasi ako nakatira at halos 2 hrs ng byahe ng jeep ang layo nito sa school. Tila nga araw-araw ay nag-a-out-of-town ako eh. Halos kabisado ko na ang daan papunta sa school namin kahit sobrang layo nito sa bahay namin. Kaya naman ni isang beses ay hindi ko nakakaligtaan kung san ako bababa, sa tapat ng Pureza St. sa Sta. Mesa, Manila. Doon ang pinaka-last station ko kumbaga.

Hihintayin ko mag-red yung stop light tapos makikisabay ako sa daloy ng mga taong tumatawid. Maingat ako dahil ako yung tao na hindi talaga marunong tumawid eh. Kahit pa nakastop yun. Madalas ako makipagpatintero sa sasakyan o kaya naman ay sa taong nakakasalubong ko. Hindi naman ako clumsy pero yun talaga ang kahinaan ko. Ang pagtawid.

Lunes ngayon. At ibig sabihin nun ay araw na naman ng pagpasok ko sa school.

Isang ordinaryong araw na naman ito para sa akin. Yun ang akala ko. But today was different.

6:50 AM. Sumakay ako ng jeep. As usual, nag-abot agad ako ng bayad pagkasakay na pagkasakay ko pa lang. Ayoko kasi maistorbo pag nasa kalagitnaan na ng byahe or pag malapit na bumaba. Mahilig kasi ako mag-sight-seeing sa byahe.

Nagstart na yung engine kaya naman nagsitting pretty na ako sa bandang dulo ng jeep. Dun ako madalas umupo dahil tinatamad ako maging konduktor ng driver. Konduktor, yun bang ikaw yung taga-abot ng bayad ng mga pasahero. Ayoko pa namang maistorbo sa pagmamasid ko sa labas. Lalo na pag nasa tapat na ng lugar kung san nakatira yung crush ko.

Siya ay nagngangalang Evo Montesa. Classmate ko sya. At nadadaanan ng jeep na sinasakyan ko yung street kung saan sya nakatira. Kaya naman bilang stalker, palagi kong inaabangan na makasabay sya. Kaso never pa nangyari yun.

Makalipas ang ilang minutong pagtakbo ng jeep, i feel quite uneasy. Alam mo yung feeling na parang may nakatingin sayo. Of course, hindi ko alam kung sino. Nakikita ko lang sa peripheral vision ko. Sa labas pa rin ako nakatingin.

After ilang minutes, nararamdaman ko pa rin na may nakatingin sa akin. Hindi ako mapakali. Mamaya isang old pervert man yun and maybe he's checking me out! Yikes! Or to make it worst, isang walang pusong holdaper! Omg! Wag naman sana! >_< Okay pa sana kung yung crush ko yun eh. Pero imposible naman na makasabay ko yun sa jeep. Napakaraming jeep sa mundo noh.

Pero talagang hindi na ako mapakali. So I decided to look back and see who is looking at me.

To my surprise, hindi isang old pervert man o isang holdaper ang nakatingin sakin. Walang iba kundi yung crush ko, si Evo! Aaahhh! Kinikilig me!!! Hala, namumula ata ako. >///<

Pero paano nakasakay si Evo nang hindi ko nakita? Hmmm? Sobra na ata ang pagsa-sight-seeing ko kaya diko napansin.

Wait! Why is he looking at me?! Goodness gracious! Alam nya na kaya?? Naku, baka sinabi ng madadaldal kong friendship. Nakakahiya. :<

"Ang gwapo nya talaga. Mukhang anghel. Matangkad. Maputi. At syempre, hot! Sana talaga mapansin nya naman ako. Ang cute ko naman ah, di nya ba yun alam? :("

Sa pag-de-daydream ko, hindi ko namalayan nakatitig na rin pala ako sa kanya. Nakangiti sya sakin. How cute! Pero bakit kaya? Siguro, nagugustuhan na rin nya ako. Sana nga! ^_^

Isang oras na kaming nagtititigan, konti na lang at bababa na kami. Sabay kami maglalakad papasok sa school. Tapos baka kunin nya number ko! Omg! Or vice versa?? o.O?

Tumingin ako saglit sa relo ko. 8:25 AM na. 9:00 AM pa naman ang start ng class namin. 5 minutes to go at nasa Pureza na kami. Excited na akong bumaba.

Muli akong tumingin kay Evo. At nakatingin pa rin sya sakin. Pero nangilabot ako. Dahil this time, iba na yung tingin nya. Hindi nakangiti. Kundi nanlilisik! A moment later, namumula na yung mata nya! Natatakot ako pero at the same time, nagtataka. Bakit bigla na lang ganun? May nagawa ba akong masama?!

Oh nose! Baka nadisappoint ko sya! Nagtititigan pala kami and then bigla na lang ako umiwas ng tingin para tingnan yung oras. Baka nainis sya sakin. Pero di ko naman sinadya yun eh! :|

Tumingin ako sa paligid. Nakapagtataka. Bakit... bakit parang iba?

Tumingin ako sa relo ko. 8:30 AM na. Dapat nasa Pureza na kami. Pero... bakit ganun? At bakit hindi pumara si Evo. Hindi kaya sya papasok?

Tumingin ako ulit sa labas. Ano bang nangyayari? Hindi na ito yung daan papuntang school eh. Lagpas na ba ako? Tiningnan ko si Evo. He's still creepily looking at me. Yung tingin nya parang galit, malungkot, nanghihinayang na nagsisisi. Ang daming emosyon ng mata nya. Ano ba kasing nangyayari?? Pagtingin ko sa ibang pasahero, lahat sila nakatungo. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung dapat na ba akong tumalon ng jeep na 'to!

Ano bang gagawin ko? Lord, help me! >_<

***End of Chapter 1***

ONESHOT STORY: &quot;A Wasted Chance&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon