Chapter 4.

14 0 0
                                    

Unti-unti akong tumayo sa kinauupuan ko.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Bakit ganun?

Sumilip ako ng bahagya sa salaming bintana sa pintuan ng classroom namin.

Nahagip agad ng mata ko si Evo.

Nakatungo sa desk ng upuan nya. Punong-puno ng pulang mantsa yung damit nya.

Bawat isa sa kanila, bakas sa mukha ang lungkot.

Tahimik ang lahat. Walang kumikibo. Walang nagsasalita.

Ano ba yan. Nakakapagtaka talaga. Yung mga itsura kasi nila. Para silang namatayan nyan eh.

Ano kayang nangyari? Sobrang naku-curious na talaga ako. Akala ko pa naman may surprise party.

Eh kung magpakita na kaya ako? Alam naman ng lahat na birthday ko ngayon. May mga bumati pa nga sakin kagabi eh.

Papasok na sana ako nang biglang tumayo si Evo sa kinauupuan nya. Umiiyak sya? Bakit? Evo, myloves don't cry! :(

"Sorry, wala akong nagawa! Wala akong kwenta! Huhuhu!" Sumisigaw sya habang umiiyak. Sobrang nasaktan si Evo. Ano bang tinutukoy nyang wala syang nagawa?

"Pre, wag mo sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Nagi-guilty ka lang dahil nanghihinayang ka." sabi ng isa naming kaklase. Hindi ko makilala dahil nakatalikod sya at nakaharap kay Evo na parang kino-comfort nya ito.

"Dapat noon ko pa inamin sa kanya. Pare, mahal na mahal ko si Trish, alam mo yun ha?! Ang duwag duwag ko! Ang torpe torpe ko! Ngayon lang. Ngayon lang kami nagkasabay pagpasok eh. Chance ko na sana yun para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko! Tapos ganun lang ang mangyayari?! Mawawala na lang sya bigla! Kitang-kita ko pre! Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano nasagasaan yung babaeng pinakamamahal ko! Pero wala man lang akong nagawa! Ang bilis eh. Ang bilis ng pangyayari! Wala akong kwenta! Wala! Huhuhu!"


Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ayaw pa rin magsink-in sa utak ko ng mga sinabi ni Evo.

Si Evo. Yung crush ko na mahal ko na ata. Mahal na mahal nya raw ako? Matagal na? At nagkasabay kami kanina pagpasok? Chance na nya yun para umamin sakin? Sayang naman yun! Tapos... tapos nasagasaan daw ako?

Teka?! Ibig bang sabihin... pa-patay na ako?

Walang anu-ano'y nagflashback sa utak ko lahat ng pangyayari.

Pagbaba namin ng Pureza. Nagmamadali ako dahil nahihiya ako kay Evo. First time ko kasi siyang makakasabay sana pagpasok. Tumawid ako dire-diretso. Hindi ko namalayan na naka-green pa pala yung stoplight. Which means, marami pang sasakyang dumadaan sa tinatawiran ko.

"Trish!!! Wag ka munang tumawid!" Isang malakas na sigaw mula kay Evo ang narinig ko. Lumingon ako. At pagkatapos nun. Nakita ko na lang. May truck na malaki at mataas. Papalapit sakin. Parang islow-mo. Pero hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Nahagip ako ng truck. Tumalsik ako papunta kay Evo. Nasalo nya ako. Nakahiga ako sa lap nya. Teka! Yung mga pulang mantsa sa damit ni Evo! Dugo?

Nakarinig ako ng malakas na banggaan pagkatapos kong tumalsik. Malakas na sigawan. Nakita ko kung paano naipit at nawasak yung jeep na pinanggalingan ko. Nadaganan iyon ng truck na nakabangga sakin. Hindi na makita yung jeep dahil sa sobrang laki nung truck na dumagan dito. Lahat ng tao sa loob. Marahil ay naipit na rin... Mas malala pala ang sinapit ng mga naiwang nakasakay doon. Buti na lang hindi si Evo nadamay.

Naalala ko na. Yung panaginip ko kanina. Kaya pala galit yung tingin sakin ng lahat ng tao sa jeep. Ako ang dahilan kaya na out-of-balance yung truck. Ako ang dahilan kaya sila namatay. At si Evo. Nanghihinayang sya.

"Trish, tibayan mo loob mo! Wag kang pipikit. Wag kang bibitaw!" May tumulong luha galing sa mga mata nya. Naiiyak na rin ako. Hindi ako makapagsalita. Hawak-hawak nya yung kamay ko. Matutuwa pa sana ako kasi nakaholding hands ko na pala si Evo. Pero hindi ko yun magawa. "Trish, mahal kita. Mahal na mahal kita. Please, wag mo akong iwan." Hinalikan nya ako sa kamay. Tapos sa noo. Punong-puno ng pagmamahal at panghihinayang ang mga halik nya.

"Mahal din kita, Evo." Pagkabanggit ko noon ay naramdaman kong marahang pumikit ang mga mata ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Evo habang umiiyak sya.

***End of Chapter 4***

ONESHOT STORY: "A Wasted Chance"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon