Mundo ko

9 2 0
                                        

Nakakulong ako
Sa aking  mundo
Diko inakalang malulunod ako
Di inasahang mag iisa ako
Ang binuo kong mundo
Bakit iniiwan ako

Mag isa ako't umiiyak
Tulad ng dati ng ako'y laging puyat
Sa inang buwan nalang ang itatagal

Ngayon isipa'y tinalo na
ng mapaghanap kong sarili
Dahil kanan man o kaliwa ko'y
Wala akong makapa...
Tanong ko," San na ang anak ko?"
"San na ang asawa ko?"

Mundo ko'y unti unting nilalamon
Ng pag aalala ko at pangungulila
Tanging hangad ay pagsikat ng araw
Pagmulat ng mata, sila'y mahagkan.

The Poetic Side Of MeWhere stories live. Discover now