Chapter 2

1 0 0
                                    

Jenny's PoV

"Lead us to a place..
Guide us with your grace.." andito ako ngayon sa chapel para magpractice para sa kasal nina Tito Ginno at Tita Eva bukas.

May narinig akong yapak galing sa likod ko kaya nilingon ko. Ngunit wala namang tao. Hmmm..?

Itinuloy ko nalang ang pagkanta ko pero may narinig nanaman akong yapak kaya tumayo na ako. Nilapag ko yung gitara ko sa bakanteng upuan.

Si papa pala.

"Anak, tara na. Alam kong pagod na yang lalamunan mo kaka kanta. Kaya magpahinga kana. Sabay na tayong umuwi." sabi ni papa at hinalikan niya ung noo ko.

"sige po pa. Hintayin niyo nalang po ako sa labas. Aayusin ko lang po ung mga gamit." tumango naman si papa bilang sagot atsaka lumabas.

Nakakapagod nga noh.

Hi. Ako nga pala si Jenny Nicolas. 16 yearsold. Anak ni Edgar Nicolas. Isang highschool principal ng De Vegas University ang papa ko at si mama.. Wala na..

Hayy..

Only child lang naman ako. Ako ung tipo nang babae na, Laging may dalang bible, laging may headband sa ulo, Laging naka sweater, kung magsuot ng damit laging palda na mahaba.

Hindi ako ung tipo ng babae na, maingay, madaldal o kaya lakwatsera.

Natuto ako nga mga magagandang asal ni papa. Siya narin ang nagpalaki saakin dahil maaga rin kaming iniwan ni mama. 6 yearsold palang ako. Namatay siya dahil sa sakit sa puso.

Papalabas na ako ng Chapel nang may nakita akong nagpark ng sasakyan sa harap. At may lumabas na lalaki. Si Sam. Ang pinaka-sikat sa school. Ewan ko nga kung bakit. Hindi naman ako interesado. Ang alam ko lang BADBOY siya.

Lumapit siya papunta sa loob.

Hindi ko nalang pinansin at pumunta na kung asan si papa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Love of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon