Unexpected#1

57 5 0
                                    

Pauleen POV

GRABE ang laki ng bahay nila kyzsha ! At pati yung mga gamit nila halatang mamahalin dahil kumikintab kintab pa hayy bakit kaya hindi ako pinanganak na mayaman ? Yung nanay ko lasengera habang yung tatay ko naman sugarol  , iniwan ko muna ang mga kapatid ko kay tita mildred , si tita mildred ang siyang tumayong magulang namin siya din ang nag babantay sa mga kapatid ko habang nasa trabaho ako

"Grabe ang laki ng bahay niyo kyzsha " sabi ko sakaniya habang nandito kami sa pool area , ang laki pa ng pool nila merong jacuzzi ang sarap siguro maging mayaman noh wala kang iintindihin na pera gasta ka lang ng gasta

"Aanhin ko ang ganito kalaki at ka garang bahay kung wala naman akong pamilya diba ?" Sabi niya saka uminom ng wine na pinakuha niya sa isang maid kung sa bagay may point siya don , mas mahalaga ang pamilya kaysa ang kung ano anong bagay ... hindi ko akalain na ganito pala ang takbo ng buhay ni kyzsha kaya siguro siya nambubully sa school para may pagtuunan siya ng oras at maging masaya , dahil pag dating dito sa bahay nila hindi na siya nakakapag saya dahil internet na agad ang hinaharap niya

'Welcome to mobile legends'

Napatingin naman ako kay marj na nag lalaro , mobile legends ? Ano yun?

"Potek ! Nakatakas pa !" Inis na sabi ni marj" first blood na yun eh!" Sabi niya pa

"Anong nilalaro mo?" Tanong ko sakaniya pero hindi niya ako pinansin napatingin naman ako kay kyzsha na nakangisi ehh??

**kringggg... kringggg*

"POTEK NAYAN KYZSHA NAMAN !" inis na sabi ni marj "Tignan mo ilbis na ako ang maka first blood ako yung na first blood napaka epal mo talaga " hala! Mag aaway ba sila ng dahil lang sa laro ?

"Wahahahah sorry sorry maglaro kana jan " sabi ni kyzsha saka lumapit sakin

"Naglalaro ka din ng nilalaro niya ?" Tanong ko kay kyzsha

"Shempre naman , yan lang ang libangan ko pag nandito ako sa bahay " sabi niya "mhytic palang ako jan gusto mong matuto mag laro?" Tanong niya sakin ehh? Mukhang maganda pero paano naman ako makakapag laro kung wala akong cellphone ? Para sa isang kagaya ko hindi mahalaga ang bumili ng kung ano anong bagay na hindi naman importante, ang mahalaga samin ay walang iba kundi ang makakain ng tatlong besses sa isang araw

"Oo nga pala may gift ako sayo, nanay mira !" Tawag ni kyzsha kay nanay mira sa pag kakaalam ko siya ang mayadora ng bahay na to , at sa kwento ni kyzsha kanina siya din ang nag alaga sakaniya

"Ano yun hija ?" Tanong ni nanay mira hehe nakiki nanay na din ako

"Nanay pakuha po ng phone ko sa kwarto thank you " sabi nito hindi ko akalain na ang isang savage queen na walang ibang ginawa kundi ang mambully sa school may tinatagong taglay na kabaitan naman pala

"Ahh sige yun lang ba ?"

"Opo nanay " sabi ni kyzsha

"Mabait ka pala " wala sa sariling sabi ko dahilan para matawa siya

"Dito lang ako anghel pero sa school demonyo na ako" sabi niya"dito ko lang inilalabas ang totoong kyzsha " sabi niya saka ulit uminom ng wine napatango nalang ako at di nag tagal bumaba na si nanay mira at dala ang cellphone na pinapakuha ni kyzsha

"Here " sabi niya saka inabot sakin ehh? Bat niya sakin inaabot to?

"B-bakit sakin mo inaabot to?" Tanong ko

"I told you right this is my gift as a friend "

"Hindi na kailangan hindi ko matatanggap " sabi ko iphone 6s ang binibigay niya saki

Unexpected Love Story Where stories live. Discover now