Unexpected#5

44 2 0
                                    

Marj POV

"Oh " sabi ko saka ko inabot kay gio yung kinuha kong coke in can saka umupo sa tabi niya. Nandito kami sa tabi ng dagat tapus na rin kami mag trabaho, nakakapagod pero masaya hindi ko akalain na ganto ang hirap ng buhay ng mga taong nangangailangan ng pera .

"Salamat ah " nakangiti niyang sabi sakin saka binuksan niya yung coke at ininom ito ,

"Pagod ka?" Tanong niya tumango ako sakaniya

"Yeah, ito ang unang besses na nakahawak ako ng mop , at ng walis " natatawang sabi ko dahilan para matawa din siya totoo naman eh, never akong pinaghawak ng walis ni mommy at daddy nag iisang anak lang kasi ako kaya alagang alaga nila ako pero di ibig sabihin nun spoiled brat ako

"Princessa ka kasi sa family mo, ikaw ang queen ng buhay ko" pagbabanat niya dahilan para mapatingin ako sakaniya saka ko siya tinaasan ng kilay pero kumindat lang siya sakin

"Wow ah, bumabanat" sabi ko nalang at umiling namuo ang katahimikan samin, siya nakatingin sa kung saan habang ako ay nakatingin sa sunset , hindi nagtagal ay nagsalita siya

"Ang ganda " napatingin ako sakaniya at sa tinitignan niya , seryoso siyang nakatingin sa babaeng nag pho-photoshoot , tama siya ang ganda nga nung babae kahit sinong lalaki ay magkakagusto sakaniya maputi, mahaba pilik mata matangos ang ilong kissable lips malaki ang hinaharap saka ang pwet para sa mata ng mga lalaki she's perfect

"Hoy " tuon ko kay gio pero nanatili siyang nakatingin sa babaeng nagpho-photoshoot , kinuha ko ulit yung atensyon niya pero hindi parin mawala wala ang tingin  niya sa babae , pshh kaya ang ginawa ko binatukan ko siya ng malakas dahilan para mapasubsob siya sa buhangin

"Yahh!! Bat ka ba nambabatok!" Inis na sabi niya sakin ngumisi naman ako sakaniya

"Ayaw mo ko pansinin eh, kaya binatukan kita" sabi ko sakaniya nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko saka niya ako hinarap sakaniya

"Marj tignan mo to" sabi niya saka niya hinawakan ang kamay ko at dinala sa dibdib niya ambilis ng tibok ng puso niya

"Marj! May nagpatibok narin sa wakas ng puso ko" sabi niya pa , agad ko namang inalis ang kamay ko na nasa dibdib niya ewan kolang ah pero bigla akong nailang

"A-ano ka ba ? , halos lahat ng babaeng sinasabihan mo ng maganda bumibilis tibok ng puso mo" sabi ko nalang pero umiling iling siya

"Iba to... iba talaga to hindi ako uuwi hanggang hindi ko nakukuha ang pangalan at number niya " nakangiti niyang sabi tas tumingin ulit sa babaeng nag pho -photoshoot pag ngumingiti siya sakin at sa mga ibang babae abot tenga lang pero yung ngiti niyang ibinibigay sa babaeng nag pho-photoshoot ngiting abot langit na hindi mo ma reach

"San ka pupunta ?" Tanong niya ng bigla akong tumayo

"Gusto ko lang mapag isa " walang ganang sabi ko

"Ayaw mo ko kasama ?"

-_-

"Ayaw , jan kana " sabi ko nalang at nag patuloy lang mag liwaliw sa tabi ng dagat bakit nawala ako bigla sa mood nang makita kong ganun ang ngiti niya -_- haist napasabunot nalang ako sa buhok ko at nag patuloy maglakad

*****
Pauleen POV

"Zayne!! Manzy!! Wag kayong tumakbo!"

"Wahh ate habulin mo kami ! Habulin mo kami" masayang sabi  ni manzy sakin napangiti nalang ako saka nagsimula silang habulin , habulan lang kami ng habulan hanggang sa nakuha ko si manzy

"Wahh andaya mo naman ate ehh" nakapout niyang sabi sakin na siyang ikinatawa ko,

"Anong madaya don eh nahuli kita " nakangiti kong sabi sakaniya saka ko kinurot ang pisngi niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected Love Story Where stories live. Discover now