Unexpected #4

21 2 0
                                    

Kyzsha POV

"Asan si trent?" Tanong ni kuya kay gio
Its already 8pm at bukas kami mag sisimula mag trabaho .

"Nasa bar yun malamang ," sagot ni gio

"Tara mag bar muna tayo " sabi ni marj oo nga kaysa yung nakatambay kami dito sa cottage

"Ahh kayo nalang hindi ako umiinom " sabi ni pau "saka walang kasama yung kambal eh" pagpapatuloy niya pa,

"Pau naman, ngayon nalang tayo may time para mag saya dahil bukas malamang sa gabi lang pahinga natin " sabi ni marj nag thumbs up nalang ako para umagree sa sinabi ni marj

"May magagawa pa ba ako?" Pau

"Tsk dami pang satsat papayag din naman pala " sabi ni kuya at nauna ng naglakad nag make face naman si pau dahilan para matawa kami,

"Hayaan mo safe mga kapatid mo dito" sabi ko kay pau saka ko tinapik ang balikat niya saka sumunod kila kuya

NANDITO na kami sa bar at as usual ano bang unang bubungad sayo pag nasa bar, puro usok , ingay , babae at shempre hindi mawawala dito ang mga nag mamake out.

"Dito lang kayo wag kayo masyadong lumayo samin" sabi ni kuya nag order naman si gio nang maiinom, tequila , jack daniels at liquor ang dinala samin woahh puro hard drinks naman to , well matagal tagal din mula ng hindi ako uminom ng hard drinks puro wine lang akmang iinom na ako ng tequila pero pinigilan ako ni kuya

"Sino may sabing pwede mong inumin yan ?" Tanong niya sakin nag make face naman ako sakaniya

"Kuya naman, ngayon na nga lang ako iinom ng hard pag babawalan mo pa ako" pag rereklamo ko pero seryoso parin ang tingin niya sakin kaya binitawan ko nalang ang baso saka nag cross arms bagay na bagay talaga sakaniya ang pangalang kervy james short for KJ

"Tol, pagbigyan mo na wag kang KJ "

"No"

"Sige na ngayon lang naman eh, bukas hindi na yan makakaulit" sabi ni marj saka niya nilagyan ng tequila yung basong binitawan ko, saka inabot sakin napatingin naman ako kay kuya tumango nalang siya sakin at uminom yown papayag din naman pala eh

"Ohh, pau hindi pwedeng hindi ka iinom" sabi ni marj saka niya inabutan si pau ng tequila akala ko nga magrereklamo pa siya eh nagulat nalang kami ng bigla niya itong tinungga straight talaga

"PWE!!! Bat ganto!!" Nandidiring sabi niya "ang tapang" sabi pa nito

"Tsk, here " saka siya inabutan ni kuya ng lemon

"Para saan to?" Nagtatakang tanong ni pau naku kung hindi niya kami kasama malamang may nangyari ng masama dito

"Partner ng tequila, pagkainom mo sabayan mo ng lemon para di mo masyado malasahan yung pait " sabi ni kuya ginawa naman yun ni pau , napatango nalang siya at di nag tagal nag kwe kwentuhan lang kami hanggang sa.. tuluyan na kaming mawala sa sarili

"Whoaaahhh!!! Parteeeh parteeh!!!" Sabi ni marj at tinaas pa niya ang kamay niya sa ere

"Letzzzz gooww sayaw tayo woahhhh"" sabi ni pau at nauna na sa dance floor saka nag sasasayaw ,tawa naman ako ng tawa dahil sa dalawa lasing na nga sila hahaha , ako medyo tipsy pa lumagok muna ako ng jack daniels bago tumayo at pumunta sa dance floor at don naging wild

Woahhhh!!!!!! Si gio at kuya pala ayun lasing na din may kaniya kaniyang babae na, si kuya nangbababae lang talaga pag wala na sa katinuan pero pag nasa katinuan yan malamang itutulak niya yung babaeng lumalandi sakaniya ngayon,

Sayaw lang kami ng sayaw hanggang sa lumapit sakin si pau

"Kyzshaaa!!! H-hinipuan a-ako -hik-kanina-hik -nun ohh" sabi niya at ituro niya sakin yung lalaking nakaupo kasama ang dalawang babae di ko alam pero bigla akong nagising ayoko sa lahat yung binabastos ang mga kaibigan ko

Unexpected Love Story Where stories live. Discover now