Chapter 1

8 0 0
                                    

Walang kalate night talks...check

Walang katext...check

Walang kachat...check

Walang instagram...check

Walang twitter...check

Pero palaging puyat...check check ka sakin!

Ako si Angel Penelope Mangalili, Ang babaeng walang jowa at wala ring joga...charot!

Hmmm...ulit

Ako si Angel Penelope Mangalili, 18, walang jowa , cup B size ng bra, 5 flat ang height, not less than 43 ang tigyawat, 30% hangin ang laman ng ulo 50% kuto at lisa at 20% naman ay ang malabunot kong buhok!

Tanginang buhay to oh!!!

Agad akong bumangon ng kama at kinapa ko ang size 6 kong tsinelas gamit ang aking mga paa at dahan dahan ko itong isinuot, nag unat unat muna ako at tumalon talon, iminulat ko unti unti ang kyut kong mga mata at agad itong nanlaki matapos kong makita ang aking repleksyon sa salamin ng aparador

THIS IS UNBELIEVABLE...

Tangina ako ba ito?!

Lumapi kaagad ako sa salamin ng aparador at  kinapa ko ang aking mukha gamit ang mga palad ko, inilapit ko pa mas lalo ang aking mukha

Tangina...

Walang duda

AKO NGA!

K walang nagbago

Nanatili parin akong nakaharap sa salamin ng aking aparador at binusisi ang aking mukha

Tangina tinubuaan na naman ako ng tatlong  bagong tigyawat! 43 plus 3 is equal to 46 grabe walo na lang pang world record na!

Eto eto limang acne nato! Yari kayo sakin mamaya titirisin ko kayo pakatapos kong maligo!

Badtrip talaga!

Padabog kong sinarhan ang pinto ng aking kwarto at nakasimangot na naglakad patungong kusina, agad nahagip ng mga mapungay kong mga mata si papa na nagtitimpla ng kanyang kape

"Goodmorning baby ko! Oh ayan kain kana ng breakfast mo!"

Masiglang bati ni papa sakin

Yan si Papa ang the best sa lahat , siya madalas magluto at kakampi ko dito sa bahay namin, bukod ki Jackie na pinsan at slash bestfriend ko sila lang talaga ang kasundo ko sa tanang buhay ko

Matamlay akong naupo at inalis ang nakatakip na plato, ibinalik ko ulit sa pagkakatakip at binuksan ulit

K nilagang itlog...kagaya nga naman ng ibinilin ko, ayoko ng tinapay, kanin o ano pa man na pagkain dahil bukod sa itlog ay itlog lang talaga ang gusto ko, dahil bukod sa panget ako ay ayoko ng dagdagan ang mga kapintasan  na meron ako, gusto kong mamintain ang 24 na waistline ko

Kala niyo ha...SEXY AKO noh! Tangina pandak nga lang...

Nagtimpla ako ng milo at itinabi ito

Aba aba alam niyo naman sigurong 30% hangin laman ng utak ko diba? Kaya wag na kayong magtaka dahil bukod sa hindi ako umiinom ng kape  eh hindi rin ako umiinom ng mainit na milo

binalatan ko ang dalawang itlog at kumuha ng konting asin at binunburan ito para magkalasa. 5: 30 am ako kung matapos kumain ng agahan sabay tooth brush narin at mouthwash, agad akong nag angat ng tingin dahil narinig ko ang mga yapak ni mama na pababa ng hagdan

"Goodmorning"

Malamyang bati sakin ni mama

hindi ko alam kung malamya ba tawag sa pagbati niya sakin eh andating kasi sakin matamlay na pormal...WTF self walang ganon ulol!

Hindi ko binati si mama pabalik

para saan pa...para masermonan? Ayoko nga may topak si mama noh

"Ed?"

Biglang tawag ni mama kay papa dahilan kung bakit napaangat ako sa kanila ng tingin

"Wait lang mahal ubusin ko muna itong kape ko"

Malumanay na pakakasabi ni papa dahilan kaya't wala sa sarili akong napangiti

ganyan ang mga magulang ko masyado silang salungat sa isa't isa pero heto parin at matatag na nagsasama...hyst pagmamahal nga naman eh noh!

"Alright sweetie I'm going to work na, take care of your self ok?"

Agad akong tumango ki mama at tipid na ngumiti

"Nak hatid ko muna mama mo ok?"

Paalam naman sakin ni papa pagkatapos niyang ilapag ang mug na kanina'y may laman na kape

"Sige pa, mag-iingat kayo ni mama I love you!"

Bati ko kay papa pabalik sabay pakita ng killer smile ko bwahahahaha

Pagkaalis nila mama ay agad akong naligo at naghanda papuntang school

"Neh?"

Oh si Jackie? Ang aga talaga ng bruha kong pinsan tsk tsk pambihira hindi pako nakakapag  suklay at nakapagpulbos

Padabog akong naglakad papuntang sala habang tinutuyo ko ang aking bunot na buhok

"Goodmorning neh!"

Bati sakin ng bruhang si Jackie

potangena antaray ng pinsan kong toh ganda ng pakakaplakada ng kilay ngena ang aga siguro nito gumising para magpaganda, oh well kahit anong gawin niya mas maganda pa rin ako kaysa sa kanya tse!

"Neh ano na? Galaw galaw mag-aalas syete na oh! Ba't kasi ant...."

Agad kong tinalikuran si Jackie at kinuha ang bag ko

bahala na sa daan nalang ako magsusuklay at magpupulbos, pambihira oh!






















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit panget ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon