Chapter 2: Flashback

13 2 0
                                    

Zirk's POV

* Start of Flashback *

She was my classmate in high school, I liked her at first but when we were in Grade 10, I started to get annoyed by her silly attitude. Masyado siyang makulit, kapag nag-oonline ako chinachat niya ko agad. Buti sana kung may sense eh sa wala naman. Kaya naisipan kong i-snob siya para tumigil. Ilang araw lang ang lumipas at naging masungit na rin siya sa akin. Nalungkot ako pero naalala ko, ito nga pala ang gusto ko. Naging ganoon lang ang turingan namin hanggang sa isang araw ay naging kapares ko siya sa isang activity sa Filipino at dahil ayaw niyang gawin ang proyekto namin sa bahay nila, napilitan na lamang akong papuntahin siya sa bahay ko para doon na lang gawin ang proyekto.

Napakasimple lang ng suot niya nung araw na iyon. She was just wearing a plain white shirt, fitted black jeans paired with her favorite rubber shoes. She greeted me cheerfully but I just ignored her and led her to my house. Nang makapasok siya sa bahay namin ay lumapit agad siya sa mga magulang ko upang magmano. I was surprised about her behavior but I just shrugged the thought. After finishing our report, she called her father to fetch her and she stayed in our house a little longer while waiting.

"Uhmmm, mauna na po ako. Maraming salamat nga po pala sa pa lunch at snack, nabusog po talaga ako.  Zirk, alis na ko", pagpapaalam niya.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na lamang ako sa aking silid. Humiga ako sa aking kama hanggang sa unti-unti na akong kinain ng antok.

Nagising ako dahil sa pagkatok na narinig ko mula sa aking pinto.

"Pasok", malamya kong sagot.

Bumukas ang pinto at pumasok ang aking mama.

"Ano ba yung inasal mo kanina?!", pagalit niyang tanong sa akin.

"Ahh, yun bang kay Xyle, wala yun", sagot ko sa kanya.

"Hindi mo ba napansin yung lungkot sa mga mata niya?!", sabi ni mama.

"Eh, ano naman", naiirita kong sagot.

"Sana dumating yung panahon na marealize mong ang babaeng sinasaktan mo ngayon ay walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka", sabi niya sa akin bago niya ko iwan mag-isa.

             * End of Flashback *

Matapos kong maalala ang mga iyon, napagtanto kong tama pala si mama at ang mas masaklap pa eh hindi ko ito naisip noon. Kaya naman ngayon ay huli na ang lahat sapagkat sumuko na talaga siya pero kung kaya ko pang ibalik ang nakaraan, kanina ko pa ginawa at kung maaari man iyon, sisiguraduhin kong mararamdaman niya ang tunay na pagmamahal ng isang Zirk Basquez.

The Day She Gave UpWhere stories live. Discover now