Chapter 1: Raven the Great

29 1 0
                                    

"Kung ako'y mag-asawa, ang pipiliin ko'y ano, ang pipiliin ko'y ano. Ay kalabaw!" biglang sigaw ni Joan nang siya'y sinigawan ni Oliver, ang class president nila.

"Ano ba 'yan Oliver, alam mo namang naglilinis ako rito ng bintana, nang-aano ka e,"

"Bawas-bawasan mo na kasi ang pag-iinom ng kape. By the way Joan, ilang kape ba ang naiinom mo bawat araw?"

"Tatlong baso lang naman Mr. Pres."

"Tatlo? Daig mo pa pa ang lola ko kung uminom ng kape ah. At kalabaw pa talaga ang gusto mong mapangasawa."

Narinig ng buong klase ang kantiyawan nina Joan at Oliver. Gaya ng dati, ang ingay-ingay pa rin ng seksiyon nila. At ngayon, pintagtatawanan ng 9-Raven ang usapang Joan at Oliver. Si Joan ang pinakamabait sa kanilang section. Si Joan din ang palaging tinutukso dahil ang bilis niyang mabigla. Kagugupit din niya ng kanyang bangs at bagay daw sa kanya ayon sa kanyang mga kaklase. Tuwing umaga bago mag-umpisa ang klase, tuntunin na ng seksyon nila na maglinis ng kani-kanilang respective area of assignment. Kapag hindi iyon nalinis, lagot ka kay Mrs. Bagsit, ang adviser nila. Hindi makikitang galit si Joan kapag tinutukso siya ng kanyang mga kaklase, lalong-lalo na ang kanilang President, si Oliver Gomez.

"Magandang umaga po Gng. Bagsit."

"Magandang umaga Raven, maupo na kayo. May ipinalibot kaninang letter ang ating curriculum adviser na kailangang magpasa tayo bukas ng softcopy ng class picture sa kanya dahil ilalagay daw sa graduation book ng Senior High School next month. Any suggestion Raven kung saan tayo magpapapicture? Oliver, ikaw na muna ang mag-discuss dito sa harap."

"Kailangang dito lang ba sa loob ng campus Ma'am?"

"Oo Oliver, dito lang. Punta muna ako sa kabilang room."

"Classmates, ano sa inyo? Saan tayo magpapapicture mamaya? Ang magandang view lang ha at unique siyempre. Raven tayo e, Raven! Suggest na please."

"Sa old SSC building kaya? Ano sa palagay niyo?" wika ni Ted. "Para history. Awoooooooooo.", tunog nananakot sa kanyang mga kaklase.

"Natatakot kami roon Ted. Bali-balita pa namang may mga nagmumulto riyan sa old SSC Bldg. Magtatanong tayo mamaya kay Ma'am pagbalik niya."

"Ano ba 'yan, first period na first period e, horror na agad ang topic niyo."

"Depende yan mamaya sa modo ni Ma'am at sa lesson natin kung may enough time pa para magtanong kay Ma'am ng kuwento kuwento rito sa school."

"Oliver, paano kaya kung doon tayo sa Bubog tree magpakuha ng picture. Maganda yata ang view doon. Samahan mo pa ng green environment sa paligid noon. Hanep ang view Mr. Pres. At parang wala namang may bali-balitang napo-possess doon. Doon na tayo mamaya 4pm. Ano sa inyo mga classmates?"

"Taas ng kamay ng gusto sa old SSC Bldg," pagtitiyak ni Oliver sa mga kaklase habang nakatayo sa harap ng mga ito. Tumaas ng kamay ang mga 10 niyang kaklase. "Sino naman ang may gusto na Bubog tree ang gagawin nating background ng ating class picture?" dugtong pa niya. Majority na ang labanan. Mga 19 ang tumaas ng kamay kasama na siya.

"Kung gayoon, Bubog tree na ang background natin mamaya. Bumalik na sa upuan at tumahimik na, baka maya-maya andiyan na si Ma'am. Behave na tayo Raven," pagtatapos ni Mr. Pres.

"Good morning again Raven!"

"Good morning Ma'am."

Natapos ang talakayan ng klase mga 45 minutes lang. May natitira pang 15 para sa mga reminders ni Ma'am Bagsit sa kanyang advisory class.

Class PictureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon