(Kent POV)
"Classmates, 4pm na. Bago bumalik ng silid natin upang maglinis, deretso muna tayo sa bubog area ha... Remind ng vice pres namin sa buong Raven.
Kent, pakisundo muna si Ma'am sa room, dapat kasama siya sa class picture natin."
"Ok Mr. Pres!" tugon ko kay Oliver.
"Kung ako pa sana ang President hanggang ngayon, ako ang nasa lugar mo diyan Oliver."
Ako pala si Kent Ruel Damasco. Dating section president ng highest section ng regular class dalawang taon na mula Baitang 7 at 8. Napalitan lamang ako ni Oliver ngayong Grade 9 na kami. Mga kaklase namin mismo ang nagdesisyon na palitan ako dahil palaging akong absent noong Grade 8 kami. Aminadong akong napabayaan ko noon ang aking obligasyton dahil sa madalas kong pagliban sa klase. Anumang mga activities at competition per section ay nahuhuli na kami dahil sa aking kapabayaan.
Madalas nga akong mapagalitan noon ng aming mga subject teacher dahil huli palagi ang aming seksyon sa pagpasa ng mga outputs dahil kulang kami sa kooperasyon. Ganoon din sa mga section contest. Madalas kaming mapag-iwanan at hindi makakuha ng mataas na premyo dahil na rin sa akin.
Pagbukas na pagbukas ng klase ngayong taon, nangako ako sa aking sarili na magbabago ako para sa aming seksyon at para rin sa aking sarili. Subalit, tila ako sinabugan ng bomba noong nakaraang election last June. Ni isang pwesto sa classroom officers, wala talaga ako. Hindi ako ni-nominate ng aking mga kaklase. Feeling ko tuloy, pinagkaisahan nila ako. Ni wala man lang may nag-inform sa akin na hindi na nila ako ilalagay sa officers kahit na palagi akong nagpaparinig na magbabago na ako. Hindi ko ba deserve ang second chance?
Ngayong taon, talagang bumabawi na ako at ipinapakita ko sa kanila na karapat-dapat pa akong maging officer. Baka naman next school year e, ma-nominate na nila ako.
"Kent, dali na, sabay lang kayo ni Ma'am Bagsit ha.. Mauuna na kami roon sa Bubog area."
"Ok Pres, susunod kami ni Ma'am."
BINABASA MO ANG
Class Picture
Misterio / SuspensoSeksyong patuloy na ginagambala. Kailan kaya matatapos ang walang tigil na pagkitil sa kani-kanilang mga buhay?