Chapter 2
Introduction
Akira Amethyst Grey POV
I composed myself. Nakakahiya yung pagtili ko. Kasalanan ko bang magugulatin ako?
"Ang arte nun ha? " nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino yung nagsalita.
Iniwas ko ang paningin ko ngunit huli na dahil alam kong nakita niya akong nakatingin. Sa peripheral vision ko ay nakatingin siya sakin. Anong tinitingin tingin mong sperm cell ka?
Ano nga yung pangalan nito?
Karl ba? Kennet? Kenson?..
Kendrick!
Bat natatandaan ko? Ew, naalala ko pa ang pangalan ng unggoy na ito.
They chose to seat in the back. Ang iingay nila. Gumulo yung tahimik na kwarto kani-kanina lang.
"Damn, ang ingay nila. " Ella cursed that made my eyes big. Kapag ganyan na siya ay huwag mo na siyang kakausapin. Ibang usapan na kapag si Ella ang magsalita ng bad words!
"Padating na yung teacher, pabayaan niyo na lang. " Micha said.
Sinubukan kong lingunin sila, isang beses lang naman eh.
Ngunit sa paglingon kong iyon ay napaharap agad ako dahil nahuli ng mga mata ko ang maitim na pares ng mga mata.
Mamaya ay isipan niyang siya yung nililingon ko. Umayos ka Akira. Inabala ko ang sarili ko sa ibang bagay.
Ngunit napaangat ako ng tingin dahil may tumayo sa harap.
Tumugma ulit ang mga mata namin. Nainis ako sa ngisi niyang iyon.
"Ang tahimik niyo naman. Wala bang welcome diyan sa inyo? " sabi niya pa na sinakyan ng ibang lalaki.
"Sino bang nagsabi na welcome kayo? " napatingin ako kay Auzikhea sa sinabi niyang iyon. Napatawa naman ang lalaking nangangalang Kendrick.
"Ang sungit naman. Di naman maganda. " isang lalaki ang sumali at sinamahan si Kendrick sa harap.
Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang lalaking ito.
Tiningnan ko si Auzikhea na parang wala lang narinig at nagawa pang ngumiti.
"Bakit kailangan bang maging maganda para mag sungit? Ikaw nga na hindi gwapo humihinga pa sa parehong lugar kung saan ang magandang katulad ko na humihinga. " sabat niya.
Maganda si Auzikhea, with her shining short hair that made her look like a doll ay masasabi mong pwede siyang maging model plus her body kaya nga lang hindi katangkaran yung kaibigan ko.
Para namang hindi inaasahan yun ng lalaki na magiging sagot ni Auzikhea kaya hindi agad siya nakapagsalita.
Muling marahas na bumukas ang pinto.
Isang katangkaran na lalaki ang pumasok. With those cold eyes and arrogant face, he barged in.
I can smell trouble. Napalunok ako ng wala sa oras.
Teacher, where na you po?
Ang atensiyon ay natuon sa kakarating na lalaki.
"San ka galing? " narinig kong tanong nung isa.
"Office. " tipid nitong sagot bago umupo.
Bumukas ulit ang pintuan at pumasok si Miss Ocampo. An English teacher.
Sinalubong niya kami ng ngiti.
"Good morning everybody! " she scanned the whole room at binilang ang mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Unwavering Signs of Love
Teen FictionThe merging of the twin University became possible for the first time. Was it because of the odds? A mind that is consumed of vengeance entered the story without anyone knowing. Are they minds, hearts and souls ready for what will happen? Can love...