Chapter 1
War
Maria Roseanne Del Mundo
Habang prinoproseso ko pa rin sa utak ko ang announcement ni Miss Fuevos ay may humawak ng balikat ko.
"Rosie, proceed na daw tayo sa room natin!" aya ni Thraia.
"I can't believe this, our parents agreed to this kind of change? How come? " naguguluhang tanong ni Czariyah.
Napadako ang tingin ko sa kabila, naglalakad ng kalmado at cool na cool ang mga lalaki. Parang pagmamay-ari nila ang nilalakaran nila ah?
This is my university.
Parang pinamumukha nila na wala kaming kamuwang-muwang sa nangyayari habang sila ay okay lang at hindi nagulat.
May iba sa kanila na tumatawa at napapatingin sa mga babae at pagkatapos ay titingnan ito galing itaas pababa tapos ay pag-uusapan.
Tiningnan ko ng masama ang mga kababaihan na pawang kinikilig sa atensiyon na nakukuha nila sa mga lalaki.
I can't believe this. I am so shocked right now to extent na parang gusto ko na lang umpugin itong mga lalaking estudyante na lumipat dito.
"Ang ineexpect ko na last year of my Highschool life is peaceful! Pero ngayon? I hate highschool boys. " maarteng pahayag ni Akira.
"So, what now? We all belong to Pilot section girls, we will be facing the best male students of their University. " sabi naman ni Auzikhea.
I smirked.
"What? Are you scared baby girl? " tanong kong mapang uyam. Inirapan niya ako.
"Of course not. Actually, I find that very exciting and amusing. I am bored competing with you always. " she smirked too. Well, tama naman siya.
Parang may makukuha pa akong new experience dahil sa mga lalaking estudyante na dumating, ah?
"Like Miss Fuevos said, we will be mingling with them all through out the year. Isn't that exciting? " Akira asked. Napataas ang kilay ni Sasha.
"Bakit mo isasali yan dito Akira? Hmmm, dont tell me.. " nilapitan ni Sasha ni Akira at sinuri suri pa. Na-concious naman ang isa.
"H-ha? Anong masama dun sa sinabi ko? "
"Alam niyo bang may nakaaway yan kanina na lalaki. Hindi nga ako makapaniwala dahil ang tapang tapang ng kaibigan natin. " nakita kong namutla si Akira at dinumog siya ng mga kaibigan ko ng tukso at tanong habang papunta kami sa room which is located in the main building.
Fuevos University have four buildings. First is the mother building where the offices of the faculties located and the grade school students go. Mahigpit na pinagbabawal sa mga grade school students na pumunta sa iba pang buildings.
Second is the Main Building where us, the Seniors go. It is the biggest of the three. It consist of 20 floors. The third one is the Building High where Juniors go and the last one is the Fuevo Building which is very important. All events of this University happens there.
Habang nilalakad naming magkakaibigan ang ruta papuntang main building ay may nakasabay kaming grupo ng mga lalaki na maiingay at nagtatawanan.
Nang mapansin nilang nakatingin kami ay natigil sila sa ingay at kakatingin sa paligid.
Naitaas ko ang kilay ko.
"Tangina Giel, baka tumulo yang laway mo." sabi noong moreno at kinutusan naman siya nung tinawag niyang Giel.

BINABASA MO ANG
Unwavering Signs of Love
Teen FictionThe merging of the twin University became possible for the first time. Was it because of the odds? A mind that is consumed of vengeance entered the story without anyone knowing. Are they minds, hearts and souls ready for what will happen? Can love...