Picture Frame

27 1 0
                                        


Chester POV

Nandito kami ngayon sa classroom, maingay ang room dahil absent daw yung dalawang Lecturers ng magkasunod na subject. Kagaling

Nakapabilog ang mga upuan naming magka-kaibigan dahil nagke-kwentuhan kami ngayon

"nga pala. Kelan ulit yung mall show ninyo?" panimula ni Allysa

"next month pa ata. Di pa sure eh." sagot ko

"Uy, Cath. Nood tayo." anyaya ni Allysa kay Catherine

"ghe." tipid na sagot nya

Teka, okay lang ba sya?

"C-Catherine, okay ka lang?" tanong ko sa kanya

"oo naman." sagot nya

"eh ba't parang namumutla ka? May sakit ka ba?" tanong ko sabay sapo sa noo nya. Yun na lamang ang pagkagulat ko ng malaman kong may lagnat sya.

"potakte ka, ang taas ng lagnat mo! Tara na sa clinic!" taranta kong ani

"hindi, hindi. Ayos lang ako." aniya

"gaga ka ba? Ang taas na ng lagnat mo namumutla ka na't lahat lahat, sasabihin mo ayos ka lang? Anong natira mo? Marijuana?!" bulyaw ko. At lalo kaming nataranta nang bigla syang nawalan ng malay

Agad ko syang kinarga, at isinugod sa clinic

Agad binuksan ni Kurt ang pintuan ng clinic, at agad naman kaming nilapitan ng school nurse

" anong nangyari sa kanya? " tanong nito

"mataas po yung lagnat nya, t-tapos bigla po syang nawalan ng malay." paliwanag ni Kurt, at tinulungan naman ako ng school nurse na pahigain si Catherine.

___________

"she has a high fever. Mas mabuti pa sigurong pauwiin nalang muna sya at magpahinga na muna, baka kasi mabinat pa sya." ani ng nurse.

"s-sige po." utal na sagot ni Kurt

Dumiretso muna kami sa room upang kausapin ang class president, para ma-excuse na muna kami

_________

Nakarating na kami sa bahay nila at idineretso nina Allyssa at Kurt si Catherine sa kwarto nya

"Chester, samahan mo muna si Allysa sa pagba-bantay kay Cath habang maghahanda lang ako ng bimpo tsaka planggana ng maligamgam na tubig." utos ni Kurt at agad naman akong tumungo sa kwarto nya.

Ay shet san nga ba ulit kwarto non?

Potakte bahala na...

Nandito ako ngayon sa second floor, na hanggang ngayon hinahanap ko parin ang kwarto nya. At may isang kwartong nakuha ang atensyon ko. Pumasok naman ako dito at bumungad naman sa akin ang isang napaka-gandang silid

Habang naglalakad ako papasok sa kwarto na ito, may napansin akong picture frame

Pinulot ko naman ito, at nakita ko sa loob ng frame ay isang lalake at babae, na may kasamang dalawang bata. Isang pamilya ata

But, the girl on the picture really caught my attention

Parang nagkakilala na kami somewhere pero diko alam kung saan at kailan.

Sobrang familiar nya...

Hindi kaya... Sya na yung batang babaeng matagal ko nang hinahanap?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The UnexpectedWhere stories live. Discover now