Peace Offering

16 1 0
                                    


Catherine POV

Maaga akong nagising ngayon, dito ko na din pinatulog si Allysa since wala yung parents nya sa bahay nila

Habang may ilang oras pa ako bago maligo, naisipan ko munang mag-cellphone

Pagbukas ko ng cellphone, nagulat ako ng may nag-pop up na message, unknown number

"sino naman kaya to?" bulong ko sa sarili. At dala ng kuryosidad ay tinignan ko ito.

"oii, si Chester to. Sorry dun sa nangyari kagabi, gusto ko sanang bumawi..."

Tinignan ko kung anong oras nya ito sinend, 5:21am. Kani-kanina lang

Naisipan kong wag nalang syang replyan, at tumungo sa banyo upang maghilamos...

Ano nanaman kaya pumasok sa isip nung gago na yun?

_______________

Chester POV

Tineks ko si Catherine na hanggang ngayon di parin nagre-reply, baka tulog pa sya.

Kaming dalawa palang ni Vishnu ang gising at nasa sala kami ngayon nanonood ng t.v,at habang nanonood kami ay bumaling ang atensyon namin kina Kurt, Allysa, At Catherine na bumababa ngayon

Agad naman akong tumayo, at nilapitan si Catherine na masama ang tingin sa akin ngayon.

Grabe nakakatakot yung mukha nya, akala mo mangangain ng buhay

"umm, Catherine..." nahihiyang sabi ko.

"ano nanaman yun?" walang ganang sagot nya.

"u-umm, gusto ko sanang bumawi sa mga ginawa ko sayo. Plano ko sanang lumabas tayo mamaya, yung tayong dalawa lang." sagot ko.

"eh may pasok ngayon..." walang gana nyang sagot

"edi after class." sambit ko.

"sige na nga. Tumahimik ka lang." sagot nya at umupo na sa sofa

Di pala ganun ka-hirap...

____________

Catherine POV

Di ako kumbinsido sa sinasabi nyang 'babawi sya'... Sa mukha nyang yun? HA! Lokohin mo lelang mo.

nandito kami sa classroom at nakarating na rin ang lecturer

DISCUSS

DISCUSS

QUIZ

DISCUSS

BREAK TIME

Nakarating na kami ni Allysa sa cafeteria, at nakita naman namin sina kuya.

Agad akong umupo sa tabi ni Kuya Kurt, at laking gulat ko ng may iniabot si Chester na pagkain.

"ano to?" tanong ko.

"pagkain malamang.. Charot! Libre ko na yan." sagot nya.

"wews." ani ko.

"oo nga." sagot nya

"sigurado ka ah." ani ko at tinanggap nalang ang pagkain. Gutom na ko eh, tinatamad pa akong pumila.

Siguraduhin mong hindi ito isa sa mga kalokohan mo Chester Lapaz, kundi papatayin talaga kita..

___________

Eyyow wuzzup my Dankins! Sorry for the late upload, but thanks for reading. And don't forget to vote and comment love you all!

The UnexpectedWhere stories live. Discover now