We Meet Again

28 1 0
                                        

The next day..

Nakakainis talaga yung Chester na yun! Di purkit gwapo sya eh di ko na sya papatulan...

Pero... Super familiar nya talaga,parang nagkakilala na kami dati, pero di ko alam kung saan

Argh! Masyado na akong maraming naiisip!

Tumayo na ako sa aking kama, at dumiretso na sa banyo para makapag-bihis na, since may pasok ngayon

Pagkatapos kong magbihis ay agad kong inayos ang aking buhok. At nagpulbo at lip balm lang. Di ako katulad ng ibang babae na sa sobrang kapal ng make-up eh nagmumukha nang payaso...

Agad akong bumaba at nagpaalam sa katulong namin. Si manang ang pinaka-close ko sa lahat ng katulong dito sa bahay, at parang nanay ko na din kasi laging nasa work si mama..

At si papa? Saka ko nalang ikikwento...

Nagpaalam na ako kay manang at agad nang lumabas ng bahay, at tumungo na sa kotse. Agad naman akong pinagbuksan ng pinto ng kotse ang aking driver at pumasok na ako. At tumungo na kami sa eskwelahan..

_________

Pagdating ko sa school, ay agad kong nakita ang bestfriend ko.

"Allysa, kanina ka pa dito?" tanong ko at umiling sya bilang sagot.

"kakadating ko lang. Actually, maaga pa. Kain na muna tayo sa cafeteria, nagugutom nanaman ako." saad nya na ikinatawa ko.

"lagi ka namang gutom." sagot ko, nang magsimula na kaming mag lakad, nabunggo naman ako ng kung sino mang tanga..

Iniangat ko ang aking ulo. At pagkatingin ko sa kanyang mukha, bagkas ang aking pagkagulat nang makita ko sya, at sya rin.

"IKAW NANAMAN?!" sabay naming tanong. His face was shocked and then suddenly turned into a cool expression..

"so... We meet again." sambit nya habang nakangisi..

"taena, hanggang dito pa naman." bulong ko at halatang narinig niya.

"bakit? Ayaw mo yun? Araw araw na tayong magkikita?" saad nya at napatingin ako sa kanya.

"d-dito ka.. N-Nagaaral?" tanong ko. Takte, bakit ba ako nauutal?

"obvious ba?" tanong nya. Did he just mocked me?

"aish, bahala ka nga!" sigaw ko sa kanya, at umalis na kami ni Allysa.

______________

Allysa POV

Kumakain kami ngayon, at halatang galit sya dahil sa kung paano nya isubo yung pagkain sa bibig nya. Galit na galit, ustong manakit...

"uy teh, kumalma ka naman." paalala ko sa kanya

"paanong di ako kakalma? Eh nakita ko nanaman yung pagmumukha nung ugok na yun!" galit na sabi nya.

"grabe ang tapang mo noh?" saad ko sa kanya.

"bilisan na natin dito male-late pa tayo nyan." she said.

_______________

Catherine POV

Nandito na kami sa classroom ni Allyssa, nagki-kwentuhan. Nang pumasok na ang Math teacher namin..

"okay class. We have a new student." paliwanag ng teacher namin, na kinabuuan ng bulungan.

Maya maya lamang, may pumasok sa classroom...

Di ko napigilang mapanganga, nang makita ko sya.

"okay, please introduce yourself." sambit ng teacher namin..

"umm, hi. My name is Chester Lapaz, and i am 18 years old. I hope we could be friends." pagpapakilala nya.

Bigla namang nagtaas ng kamay ang kaklase naling si YanYan. Tsk, bida bida.

"may girlfriend ka na po?" tanong nito. Potragis anong klaseng tanong yun?

"umm, oo meron." sagot nya na lay kasamang ngiti. At halata sa mukha ni YanYan ang pagkadismaya habang papaupo palang sya.

"okay... Chester, you can sit next to Catherine." sambit ng teacher. Luh, pota di nga? Ako talaga?

"you may take your sit. Ms. Catherine please raise your hand." utos ng teacher at agad ko naman itong sinunod.

Agad namang umupo sa tabi ko si Chester na may ngisi sa kanyang mukha. Kapag ito sinapak ko, papalipat agad to sa ibang section.

"di ko akalaing magiging kaklase pala kita. Nakakatuwa." he sarcastically said.

"pwes ako. Hinde!" i whispered, well more like a shout. At nag-focus na ulit ako sa lesson.

________

Hey guys! Sorry for the short chapter, grammatical errors, and wrong typos. And salamat na din sa pagbasa. Mahal ko kayo!

The UnexpectedWhere stories live. Discover now