Chapter 1: Tina for short

13 0 0
                                    

"Ano ba 'to! Sangkatutak na notification palagi ang nakikita ko sa tuwing ino-open ko ang mobile data ko. Nakakainis naman!" gigil na gigil si Tina (short for Kristina) habang iniisa-isang binubuksan ang mga bumabahang notification sa kanyang facebook account. Allaine shared your post. "Bilib talaga ako sa mga ever supportive friends ko, pati ba naman naka-liptint kong profile pix e, i-shashare pa nila. Wala talaga silang magawa sa boring nilang buhay." 99 so far have seen your My Day. "Ang bilis ha, ka-uupload ko lang My Day ko, 99 na agad ang nakakita nito. Pasensiya na mga pipz, peymus 'ata ang Diyosa ninyo," sabay hawak sa maikli niyang buhok na kagugupit lamang kahapon habang fini-feel na mahabang-mahaba ito.

"Kristina Kaaaaaaayyyyyyeeeeee!" sigaw ni Aling Ludy mula sa kanilang kusina habang abalang-abala sa paggigisa ng kanyang lulutuin. Linggo ngayon. Family Day ng pamilya Gomez. Kada Linggo, sinisiguro ng kanyang ina na kahit papaano'y makapag-bonding ang kanyang pamilya, kasama ang kanyang dalawang anak na babae. May mga Linggo na lumalabas sila upang mag-mall at minsan naman nag-a-out of town kasama ang ibang kamag-anak upang makapag-relax. Lalong-lalo na't nakatira sila sa Subdivision De Marino, lugar na halos nakatira ay mga pamilya ng mga seafarer. Karamihan dito ay mga asawa lang at mga anak dahil nasa barko pa ang mga bana upang kumayod. Pagkatapos ng kanilang almusal ngayon ay maghahanda na sila upang makalakad na papunta sa kabubukas lang na mall sa isang sikat na kalye sa siyudad.

"Mama naman oh, makapagsigaw ng pangalan ko akala mo kung saan ako ng lupalop ng Earth galing. E, andiyan lang naman ako sa aking silid. And please Ma, kailangan ba complete name talaga ang pagtawag sa aking pangalan? Halatang-halata na galit na galit ka sa tono na 'yan ha,'' hawak pa rin ni Kristina ang cellphone, pababa ng hagdan at nakanguso pa ang kanyang bagong liptint na bibig.

"Inunahan na kita ng sigaw, alam ko kasi na minsan may sangsang na headphone 'yang tainga mo, baka hindi mo ako marinig," pahayag ng kanyang ina. Talaga lang Ma ha, advance ka rin palang mag-isip, hehehe," nakangisi na si Tina mula sa kaninang nakangusong bibig nito.

"Oo ba. Kahit hidi pa nauso ang term ninyo ngayong mga millennial na Advance mag-isip e, nagagawa na naman iyan noon pa man. Ako pa ba! Papunta ka pa lang, pauwi na kami ano."

"Talaga Ma? Saan ka ba nanggaling? Bakit umuwi ka pa? Jokies lang po, lol. Sana mapatawad mo pa ako Ma. Alam kong magagalit ka kaya Sorrryyyyy Ma!"

"Loko-loko ka talaga, tapusin mo nga muna 'tong pansit na niluluto ko at maya-maya maliligo na ako pagkatapos maligo ng Ate mo. Kanina pa 'yon sa CR e, baka natulog na 'yon. Mabuti sa'yo, tapos ka nang maligo at handa na para mag-mall. Sandali anak, tindi ng porma mo ha. Uso pa rin pala hanggang ngayon ang ripped jeans at lalong pinatindi pa. Pati bulsa ng jeans mo, kitang-kita na ah. O sige na, tapusin mo na 'yan."

"Ate, Ma, kain na. Handa na po ang mesa, maaari niyo nang tikman ang tinapos kong pansit ni Mama dahil naligo siya. Sana'y mabusog kayo."

"Hmmmmmmm, amoy palang tila masarap na ah," sambit ng dalagang kaporma rin ni Tina, iba nga lang ang kulay ng jeans at parang labas pusod na ang ikli ng damit. Sa kabuuan, kaakit-akit siyang tingnan dahil sa contrast ng damit at jeans niya. Bitbit ng kanyang kaliwang kamay ang Korean inspired backpack at suklay naman ng kanyang kanang daliri ang basa pang buhok. Nasa unang taon siya sa kolehiyo sa ngayon, isang taon lamang ang agwat niya kay Tina. And take note, parehong-pareho rin ang gupit nito sa kanyang kapatid. Nilapag muna ang hawak na bag, tinungo ang lababo para maghugas ng kamay bago pumunta sa hapag. Sumusunod din sa kanyang likuran si Aling Ludy.

"Tins, ang ganda mo roon sa bagong DP mo ha, ang damiagad ng likes. Talagang peymus 'tong kapatid ko." Hangang-hanga sa kanya ang kanyang Ate Pia habang papalapit ito sa mesa.  

Ang Cute Talaga ni K! (Paki-tag si K)Where stories live. Discover now