Chapter 2: Azreal Montefalco

4 0 0
                                    

"Tins, may nabasa ako roon sa timeline mo. May inaagaw ka bang jowa Tins? tanong ng ate ni Tina sa kanya. Huwag na huwag mong gagawin iyon Tina ha, bad 'yon." sabay ngisi. 

"O hala, saan banda 'te? Ako mang-aagaw? Ewwwwww."

"Inagaw mo daw 'yong para sa kanya. Mga 20 minutes lang nakaraan 'yong comment na 'yon. May alam ka ba doon? At may nag-tag din sa 'yo ng parang page yata 'yon. Pakibasa mo na lang mamaya, nakita ko lang sa newsfeed ko e."

"Hala, walang akong alam doon. Sino ba naman ang aagawin ko. Sige ate, babasahin ko mamaya," ani Tina habang binibilisan ang pagnguya ng pagkain. Mapapansing nag-iba din ang modo ng kanyang mukha noong narinig mula sa Ate ang terminolohiyang "Inagaw". Naisip niya tuloy, "Ako? Mang-aagaw? Ewwwwww.. Hindi 'yan kasama sa bokabularyo ko." Nakataas na rin ang kaliwang kilay niya habang iniisip ito kasabay ng gigil na gigil na nguya. Parang sa pansit niya na ipinukol ang kanyang tagong galit o gigil man sa kung sinong nag-comment noon. "Lagot ka sa akin kung sino ka man," napasuntok bigla ang kanyang kamao sa mesa.

"Ano iyon Tina?"

"Wala po iyon Ma, may naisip lang ako, pasensiya po."

"Hayaan mo na 'yon Tins, ang importante maganda ka, kagaya ko."

"Tama na nga iyan, kumakain tayo mga anak. Pero makasali nga, Tina baby ha, ayusin mo ang kung sino mang nagsabi na mang-aagaw ka. hindi ko kayo pinalaki na maging ganyan. Hintayin ninyo ang taong para sa inyo. Hindi iyong mang-aagaw kayo ng hindi sa inyo."

"Yes mother nature. Copy paste po iyan. Wala po akong may inaagaw at wala po akong balak mang-agaw."

Samantalang aliw na aliw ang kanyang ina't kapatid sa pagkukwentuhan habang nakasakay sa dyip papuntang mall, siya nama'y hawak-hawak ang kanyang cellphone upang basahin ang comment umano ng kung sino man sa kanyang profile picture. Tingtingting... tingtingting... Sunod-sunod ang pasok ng kanyang notification at isa-isa niya itong binabasa. "Who the hell is this guy?" napaisip siya. May nag-tag sa kanya ng isang page at nailagay roon, "Ang cute talaga ni K". 

"Sino ba 'tong Azrael Montefalco na ito?" saad niya sa kanyang sarili. Ni-view niya ang profile ng may-ari ng account and guess what, facebook friends na pala since 2016 pa. Mutual friends? Sino pa nga ba, e di ang mga tropa niya't kaklase na galing ng private schools sa Junior High School. Dalawang taon na silang magkaibigan at ga-graduate na siya sa paaralang kanyang pinapasukan sa Marso sa susunod na taon. Bukod dito, may isa pang notification na kanina pa siya excited na makita. Ang sabi kanina ng kanyang ate noong sila'y nag-aalmusal. "Ooppps, Celine Gwapz commented on your profile picture 48 minutes ago. Ma-click ko nga ito. Ang ganda-ganda sa profile picture e, mang-aagaw naman," basa niya. Biglang nagpanting ang kanyang mga tainga, alam niyang namumula na iyon sa galit ngunit hindi siya nagpahalata. "Kailangang cool lang ako," 'ika niya. Hindi na iba si Celine sa kanya dahil minsan na silang nagsama sa isang club organization sa school at kilalang cheer leader ito ng kanilang paaralan. Kaso nga lang, "What Celine wants, Celine gets" ang motto nito. Kaya kung may nagustuhan itong lalaki sa school nila, nakukuha niya sa kahit anumang paraan. Ang tanong niya lamang sa kaniyang sarili ay kung bakit ganoon ang comment nito sa profile picture niya gayunmang ni isa mang pagkakataon sa kanyang buhay hayskul ay hindi niya ito nakabangga.

"Tina, bakit kanina ka pa tahimik riyan?"

"Wala po Ma, may iniisip lang po ako."

Wala na siyang ibang naisip pa na paraan upang malutas ang kanyang problema kundi kausapin ng personal si Celine. Ayaw rin niyang mag-reply doon sa comment ng babaeng iyon. Baka hindi siya makapagpigil at kung ano pa ang masabi niya roon. Nagmamadali siyang bumukas na dahil makakausap niya na si Celine. Kung noon, tamad siya tuwing magLulunes subalit ngayon gusto niyang hilahin ang oras. Libot ditto, libot doon. Picture dito, picture doon. Kahit ano pang gawin nila sa mall, tila init na init ang kanyang ulo. Ang dapat sana'y relax na makakamtan niya ngayon, bakit tila stress na siya dahil kay Celine. 

Ang Cute Talaga ni K! (Paki-tag si K)Where stories live. Discover now