(Tina POV)
"Miss, ID mo nasaan? Ilang ulit na bang sinasabi ni Madam Principal na kailangang suot-suot ang ID pagpasok ng school premises. Mga estudyante talaga ngayon, ang hirap paintindihin."
"Okey po manong, kukunin ko lang sa bag."
Agad kong hinanap ang aking ID sa bag. Ang gulo-gulo pa naman ng laman ng bag ko ngayon dahil hindi ko ito naayos kaninang umaga. Napasarap kasi ang tulog ko dahil sa pinanood kong Ms. World Philippines kagabi. Talagang pinatapos ko iyon dahil sa inaabangan kong kandidata. Hindi naman ako nagkamali at hindi nasayang ang pagpupuyat ko sa kaaabang ko sa kanya dahil siya naman talaga ang nakasungkit ng korona. Habang hinahalughog ko ang malaki kong bag, masakit na rin ang tinging pinupukol ni manong guard sa akin.
"Ano ba iyan Miss? Sabihin mo lang kung naiwan mo ang ID at pasusulatin kita rito sa logbook ko. Ipinapasa naman ito kay Madam Principal para ma-forward ang mga names ninyo sa inyong curriculum adviser. Maghintay ka na lang na ipatawag ka ng adviser mo dahil sa may lista ka na roon sa office ni madam," nakangisi pang sabi ni manong sa akin.
"Sandali lang po kasi Manong, baka naipit lang sa isa kong aklat. Nawala ko kasi ang ID holder ko kahapon kaya baka naipit lang sa mga aklat ko."
Honestly, natakot ako doon bigla sa sinabi ni Manong Guard na ipapasa ang pangalan namin sa prinsipal. Advance yata ako mag-isip ano. Baka pati si Mama ay ipatawag na rin dahil sa naiwang ID ko. Hay naku! Napaka-strict na talaga ng principal namin ngayon.
"Yeheyyy! Andito na po manong. O di ba, sabi ko sa iyo e, nandito lang iyon at kailangan mo lang maghintay talaga."
"Aba aba aba! Kung sanay kang maghintay sa kanya, huwag mo akong paghintayin iha."
"Oyyyy, may pahugot ka pang nalalaman manong ha. Basta may ID na ako at no need ko nang maglista diyan sa logbook mo. Bye Manong, thank you very mucho!"
Nagmamadali akong pumunta ng aming linya dahil mag-uumpisa na talaga ang Flag Raising Ceremony. Baka maabutan ako sa gitna ng field at patitigilin sa pagtayo roon, ang init pa naman. Nang biglang...
"Arrayyyy, ang sakit noon ha."
"Sorry Miss, sorry talaga, nabanggaan pa kita dahil sa sobra ko ring pagmamadali na makabalik ng room. Naiwan kasi ang section placard namin. Beast mode na kasi adviser namin kaya hindi na kita napansin."
"Okey lang, takbo ka na."
Hindi ko na nakita ang mukha ng lalaking nakabangga ko dahil sa bilis ng pangyayari. Nagmamadali na rin akong pumunta ng aming linya. Palagi pa naman kaming special mention sa flag raising ceremony dahil sa kukunti lang ang nag-a-attend na Grade 12 Curriulum. Kahit papaano'y hindi ako kasama mamaya sa sermon ng aming adviser.
Pero sandali muna, bakit ba hindi ko tiningnan ang pagmumukha ng lalaking nabangga ko kanina? Infairness ha, mabango siya. Gusto ko ang scent niya. Mild na parang bagong ligo talaga. Hindi masangsang sa amoy. Baka nagtataka kayo kung paano ko naamoy ng scent niya kahit na panandalian lamang ang pagkabangga namin kanina. Kung hindi ninyo naitatanong, matalas yata ang pang-amoy ng bida ninyo. Kahit hindi naman kataasan itong ilong ko pero may mga nagsasabing asset ko raw ito. Echooos lang, hahaha. Sa palagay ko, naiwan sa uniform ko ang amoy ng guy na iyon. Malapit na malapit kasi kanina ang mga katawan namin. Uniform to uniform kung baga. Wala nang pakialam kung sino ang mababanggaan namin sa sobrang pamamadali. Kaya pagtapos ng paghingi ng sorry, takbo agad sa aming mga destinasyon. Hmmmm, sana makatagpo ko uli siya. Ay este, maamoy ko pala.
"Tina! Lumipat ka sa likurang bahagi ng linya, ang taas mo pero nasa gitna ka nakapuwesto."
Patuloy pa rin ang aking pagde-dreaming sa lalaking ang bango bango. Hindi ko narinig ang sabi ni Ma'am bago mag-umpisa ang flag raising ceremony.
"Tina! Lipat ka daw sabi ni Ma'am ng linya. Tina!"
YOU ARE READING
Ang Cute Talaga ni K! (Paki-tag si K)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang paghanga, sa isang tag sa fb... Hanggang saan kaya dadalhin ang love affair nina Tina at Azrael?