Prologue---
"Miss Sriyon in guidance office, NOW!"
Hindi ko pinansin ang guro na sumita sakin at mas diniinan pa ang pagkakahawak sa kwelyo ng kaklase kong babae.
"A-annika, sorry." naiiyak na niyang sabi.
"Alam mong ayaw na ayaw kong pinapakealaman ang gamit ko, diba?"
"G-gusto ko lang naman p-pakinggan yung pinapakinggan mo, e."
"Pina--"
I stopped when someone held my arm.
"Take your hands off of her blouse, Miss Sriyon." our Teacher said, she tapped my hand harshly.
I glared at her.
Pinanlakihan niya ako ng mata. "Don't glare." nanggigigil na sabi nito.
"Tss." sinipa ko ang upuan na malapit sakin at lumabas.
Ganito ang buhay ko sa eskwelahan. Papasok, matutulog at kung mamalasin ay maga-guidance.
"Nanakit ka na naman ng kaklase mo, Annika?"
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad.
"Where are you going? Kinakausap kita."
Huminto ako ngunit hindi lumingon.
"Anong plano mo sa buhay mo, Annika? Bakit ka ba nagkakaganyan, anak?"
Napalunok ako at napangiti nang mapait. Anak daw, tangina lang.
"Hindi ko ba nasabi sayo ang dahilan, Ma?" I looked at her.
"H-hindi iyon magagawa ng Papa mo." umiling siya.
Gusto kong matawa sa reaksyon niya, hindi ko alam kung sa akin niya ba sinasabi iyon o kinukumbinsi niya ang sarili na 'wag paniwalaan ang sariling anak.
"Anabel!"
Mabilis kaming lumingon sa lalaking dumating.
"Nanuntok 'yan si Annika ng kaklaseng babae dahil lang sa hinawakan nito ang headset niya. Galit na galit ang Ina nung bata, balak kasuhan ang anak mo!" galit na sumbong nito na ang paningin ay nasa akin. "Mabuti na lang at napakiusapan ko pero candidate for expulsion iyang si Annika."
'Hinawakan ko lang yung kwelyo, nanuntok na? Hanep..'
YOU ARE READING
That Impassive Woman
Roman d'amour--- Boring ngunit interesante ang tingin ng mga tao sa buhay ni Annika Sriyon. Masyado itong seryoso, tahimik at kapag wala sa huwisyo ay sisimangot, iyong tipo na mananapak kapag kinausap mo. Kilala siyang trouble maker at kinatatakutan sa dati n...