Dos Pov
"Anak ng tokwa naman, Bitoy oh. Anong oras na at di ka parin matapos tapos diyan." Sermon ko sa nag iisa kong labing limang taong gulang na kapatid na inabot na ata ng siyam-siyam sa paglalagay ng yelo sa mga paninda naming isda na ihahatid namin sa pwesto namin sa palengke kung saan nagtitinda ang nanay.
"Ate, este kuya pala, kung tinutulongan mo nalang ako ode sana ay kanina pa tayo nakaalis." Pangangatwiran pa nito sabay ng pagngisi.
"Aba baka nakakalimutan mong ako ang panganay dito. Dalian mo na riyan at ikakarga pa natin iyan doon sa sasakyan." Ani ko na ang tinutukoy ay ang luma ng model ng pick up truck na isang ubo nalang ata ay mamaalam na.
"Oh tapos na."
Pinagtulungan na naming buhatin papunta sa sasakyan ang tatlong may kalakihang styrofoam. Nasa ikatlong styro na kami ng biglang sumulpot si Magdalena dala ang isang supot na sa tingin ko ay may lamang pagkain.
"Goodmorning my labs." Masigla nitong bati saakin at agad na yumakap sa braso kong pawisan.
"Aba Magda mukang ang aga nating nakaayos ah. Mukang aakyat kana naman ng ligaw kay kuya ah." Nanunudyo pang kindat saakin ni Bitoy sabay tanggap ng dalang plastic bag ni Magda. Ngali-ngali ko siyang sungalngalin ng isda.
"My labs, may gagawin kaba mamaya? Alam mo kasi ay birthday ko ngayon." Pagpapacute pa ni Magda ng ikinangiwi ko dahil sa nguso nyang mas mahaba pa ata sa nguso ni Kakay Bautista na pulang pula dahil sa lipstick at sa make up niyang nasobrahan ata sa puti kaya nagmuka na siyang espasol.
"Ano kasi Magda, kailangan kong tulongan sila nanay eh, sa susunod nalang siguro." Kalas ko sa kamay niyang nakapulupot padin sa braso ko at agad ng sumakay sa sasakyan. "Happy Birthday pala." Habol ko at agad ng humarorot para makaiwas agad dito.
"Patay na patay talaga sayo si Magda, kuya." Tatawa-tawang saad ni Bitoy na nilalantakan na ang toron na bigay ni Magda.
"Pwede ba, Bitoy. Tigilan moko at tumatayo balahibo ko sa mga pinagsasabi mo." Ani kong itinuon ang pansin sa pagmamaniho upang makarating kami agad sa palengke.
Pagparadang pagparada ko sa harap ng palengke ay agad na kaming bumaba at agad na pinagtulongang buhatin ang tatlong styrofoam na puno ng isda papunta sa pwesto namin.
"Nay nandito na lahat." Imporma ko kay inay na abala sa paglalagay ng panindang iddisplay.
"Oh sya sige, salamat anak. Kumain naba kayo ni Bitoy?" Tanong nito.
"Opo nay, binigyan pa nga kami ng toron ng manliligaw ni kuya eh." Tatawa-tawa pang alaska ni Bitoy saakin.
"Si Magda? Aba'y hindi paba sumusuko yun? Ilang beses mo ng binasted iyon ah." Natatawa pang saad ni nanay habang inientertain ang suki niyang bumibili.
"Hayaan niyo na nay, aalis muna ho ako't inimbitahan ako ni Donny doon sa binyag ng anak niya. Bitoy, tumulong ka kay nanay total ay wala ka namang klase." Bilin ko sa aking kapatid.
"Oo kuya, ako ng bahala."
Agad na din akong umalis at tinahak ang daan pabalik ng bahay. Paliko na ako ng biglang may bumangga sa likod ng sasakyan ko.
"Anak ng----" Agad akong bumaba at tiningnan ang magarang kotse na bumangga sa sasakyan ko at saka tiningnan ang damage ng pick up. Halong mayupi ang likod nun. Magkasalubong ang kilay na tinampal ko ang hood ng sasakyan ng bumangga sa sasakyan ko at pinababa ito.
"Hoy bumaba ka diyan! Tingnan mo yung ginawa mo sa sasakyan ko!" Galit na sigaw ko habang malakas na kinakatok ang bintana ng sasakyan nito at pilit na inaaninag ang driver dahil sa fully tinted nitong kotse. "Bumaba ka riyan!" Muli kong kalampag sa hood ng kotse nito.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng sasakyan nito at mula roon ay bumaba ang isang nakangiting anghel. Napatanga ako dahil sa taglay nitong ganda, mula sa medyo brown nitong buhok na nakalugay at medyo kulot sa baba hanggang sa mga mata nitong mapupungay na may mahahabang pilikmata, ang matangos na ilong, perfectly shaped ayebrows, at ang natural na mapupulang labi. Nangingintab din ang malaporselana nitong balat na nasisinagan ng araw.
"Hey, you might catch a fly." Nakalapit na pala ito sa akin at isinara ang nakanganga ko na palang bibig.
Agad akong napalunok at ng maalala na binangga nito ang sasakyan ko ay muling nagsalubong ang kilay ko.
"Miss, ipaayos mo ngayon yang sasakyan kong binangga mo. Wala akong perang pampaayos niya total ay ikaw naman ang bomangga." Ani kong pinapakalma ang pagsasalita.
Biglang tumaas ang kilay nito at saka ngumiti ng nakakahalina saakin.
"You see, you were the one who weren't using your signal lights so bakit ako ang magpapaayos ng sasakyan mo?" As a matter of fact na sabi nito.
Agad ko namang sinilip ang likod ng sasakyan ko at wala nga talaga iyong signal light. Syete naman oh, kung minamalas ka nga naman talaga.
"Miss ikaw padin ang nasa likod ko at ikaw ang bumangga sa sasakyan ko. Kung ayaw mong tumawag ako ng pulis ay mabuti pang ipaayos mo nalang ang sasakyan ko." Kunyari ay pananakot ko pa sa kanya.
Humalukipkip ito at ngumiti pa ng nakakaloko sa akin.
"Go ahead." Tila panghahamon pa nito saakin.
"Aba't!---" Di ko na natapos ang sasabihin ko sana ng bigla itong lumapit saakin at tinitigan ako ng mabuti. Maya maya pa ay bigla itong ngumiti.
"Go drive your old car, we'll take it to the nearest garage parlour." Nakangiting utos nito at muling sumakay sa sasakyan niya.
Agad na din akong sumakay sa sasakyan ko at minaubra iyon para sundan ang babaeng nakabangga sa akin.
ZyyyRilll
BINABASA MO ANG
Heredera Series: Heather Delamere
Romance"By hook or by crook, either way, you're gonna be mine." Marahas akong napalunok lalo na ng gahibla nalang ang layo ng mga labi namin ng tila ba isang anghel na bumababa sa lupang si Heather Delamere ang nag iisang heredera ng bilyonaryong pamilya n...