Chapter FIVE

12.1K 344 12
                                    

Heather's POV

Nakakainis si Dos, isang oras na siguro kaming magkatabi pero ni tingin ay hindi man lang niya ako tapunan. Kanina pa siya tawa ng tawa sa mga kwento ng kaibigan niya, si Gino naman ay panaka-naka akong kinakausap pero wala akong pake sa kanya. My whole attention is for Dos only.

Isang pilyang ideya ang biglang pumasok sa isip ko habang tumatawa pang nagkekwento si Dos. Tingnan natin kung hindi mo pa ako pansinin.

Dos POV

Bigla akong napatigil sa pagtawa ng maramdaman ko ang kamay ni Heather sa hita ko. Napalunok ako lalo na ng humihimas na ang kamay niya patungo sa tuktok ng hita ko. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya. She have this devilish smirk plastered on her face. Bago pa man umabot ang kamay niya sa pakay niya ay agad kong tinapik ang kamay niya.

"Ano bang ginagawa mo?!" Naiinis na pabulong kong tanong sa kanya.

"Wala naman akong ginagawa ah." Ngisi niya sa akin at nagkunwaring nakikinig sa kwento ng mga kabanda ko pero maya't-maya naman ang himas niya sa hita ko.

"Excuse lang muna." Niinis kong paalam sa mga kasama ko at hinila papuntang cr si Heather, mabuti nalang at walang tao doon kaya agad ko iyong inilock para walang makarinig sa pag uusap namin.

"Ano bang problema mo?" Pabulyaw kong tanong sa kanya. Aminin ko man o hindi ay talagang nadadala ako sa mga ginagawa niya lalo pa ngayon na nakita ko ang ayos niya. Damn! Kung lalaki lang ako ay baka kanina pa may tumigas sakin. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya dahil sa fitted niyang damit, mala porselana din ang maputi niyang balat na akala mo'y kahit kailan ay hindi nagkasugat, nakakagigil din ang mapuputi niyang hita, lantad na lantad iyon dahil halos isang dangkal lang ang haba nun na hanggang kalahati lang ng hita niya.

"Done checking me out, handsome." Itinago ko sa inis ang init na nararamdaman ko dahil sa magandang nilalang na ito.

"Pwede bang tigilan mo'ko, hindi ako natutuwa sa mga laro mo." Halos magsalubong na ang kilay ko pero siya'y todo ngiti parin.

"Im not playing, Dos." Aniya at unting-unting lumalapit saakin na ikinaatras ko naman. Napalunok ako ng tumama sa pader ang likod ko. Tangina! Napamura nalang ako sa aking isip.

"Natatakot kaba sakin?" Parang tumayo yata lahat ng balahibo ko sa katawan at dumoble ang tibok ng puso ko ng bigla siyang bumulong saakin at padaanan ng dila niya ang tainga ko.

"B-bat naman ako matatakot sayo?" Gusto kong magsungit sa kanya pero di ko mapigilang mautal. Sobrang bango niya, nakakalasing yung amoy niya.

"It looks like you're afraid of me." Namumungay ang matang tumingin siya saakin at bumaba ang mga tingin niya sa labi ko. Napalunok naman ako ng bigla niyang kagatin ang pang ibabang labi niya.

"I badly want to kiss you." Sabi niya na binasa pa ng dila niya ang mga labi niya.

Muli akong napalunok.

"I like you, Dos." Sabi niya at walang sabi-sabing inangkin ang mga labi ko.

Napamulagat naman ako at pilit siyang inilalayo saakin. Hinding-hindi ako magpapadala sa kanya. She's trying to envade my mouth pero tikom na tikom ang bibig ko.

"Kiss me back, Dos." Ramdam ko yung inis na boses niya at muli akong hinalikan pero hindi ko padin ibinubuka ang bibig ko. Hindi ko siya hahalikan pabalik dahil sigurado akong hahanap-hanapin ko yun.

"Ara---" Hindi ko na naituloy ang pag daing ko ng apakan niya ako sa paa dahil agad niyang kinuha ang opportunity na iyon para maipasok niya ang dila niya sa bibig ko. Hinanap niya ang dila ko at ng makita ay para niya itong hinarot upang bumigay ako sa mga halik niya.

Napahinga ako ng malalim ng ilapit niya ang katawan niya saakin. At maramdaman ko ang malambot niyang dibdib sa dibdib ko. Siguro ay nadadala na din ako sa mga halik niya kaya hindi ko na napigilang tumugon sa kanya. Naramdaman ko pa ang pagngiti niya ng tumugon ako sa mga halik niya. We fight for dominance hanggang sa buhating ko siya at ipinulupot naman niya ang mga paa niya sa bewang ko. Isinandal ko siya sa may pinto at idinikit pa lalo ang katawan ko sa kanya. Tila mas lalo pang naglagablab ang apoy sa katawan ko ng marinig ko siyang umungol. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa dibdib niya. Nanggigil ko naman iyong hinimas mula sa labas ng damit niya habang wala padin humpay ang halikan namin. Siya naman ay isa-isang binubuksan ang suot kong polo. Nasa pang huling butones na siya ng biglang may kumatok na siyang nagpatigil saamin.

"Miss, pakibukas. Ihing-ihi na ako." Sigaw ng nasa labas habang walang tigil sa pagkatok.

Napatingin naman ako kay Heather. Magulo anf buhok niya, medyo nasira din ang lipstick niya, tumutulo ang pawis niya, at punong puno ng lust ang mga mata niyang nakatingin saakin.

Muling kumatok ang nasa labas kaya naman agad ko siyang ibinaba at inayos ang sarili ko, inayos din niya ang sarili niya at nakangiting tumingin saakin.

"You're mine now." Bulong niya saakin, hinalikan pa ako sa leeg bago buksan ang pinto at nauna ng lumabas.

Naiwan naman akong nakatulala. What just happen? Im doomed.

ZyyyRilll

Heredera Series: Heather Delamere Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon