Chapter TWO

14.4K 351 7
                                    

Heather's Pov

Mahina akong natatawa sa mga pasimpleng irap saakin ni Dos, narinig ko ang pangalan niya kanina nung nagpakilala siya dun sa kuyang nag ayos ng bulok niyang sasakyan. I find him really cute and handsome, nung una ay akala ko barako talaga siya but as i was examining him hindi pala siya he kundi she. Muli akong natawa ng makita ko na naman siyang umirap sakin. Shes really something, para ba akong na love at first sight sa kanya kahit naba alam ko sa sarili kong straight pa ako sa ruler at sa lalaki lang magkakagusto, but she's a different story, she's an exception.

"Hoy, tapos na daw. Bayaran mo na." Parang among utos nito sa akin na muli kong ikinatawa ng mahina.

"Do you accept cards, kuya?" Tanong ko sa umayos ng kotse ni Dos. Yung kotse ko di ko na pinaayos total di ko naman madalas gamitin yun.

"Cash lang ho kami ma'am." Nakangiti nitong sagot at tumanga na naman saakin kagaya nalang kanina nung kinakausap ko siya pagdating namin.

"Oh, i don't have cash eh." Maarte ko pang sabi at nginitian ng nakakainis si Dos. Kitang-kita ko yung pagkainis sa mga mata niya.

"Ang ganda ganda ng auto mo tapos wala kang cash? Nagpapatawa kaba?" Halos umusok na ang ilong na sabi nito.

"Do you have cash? Just pay them and i'll pay you back once nakapag withdraw ako ng pera." Sabi ko pa na lalong ikinalukot ng muka niya.

"Pwede ba miss---"

"Heather." I cut her off.

"Heather, wala akong panahong makipaglaro sayo. Tatlong oras na akong nandito at kailangan ko pang umuwi ng bahay at may pupuntahan pa ako." Mahabang litanya nito and i know that she's pissed off right now.

Naglakad ako papunta sa pasenger side ng kotse ko at kinuha roon ang bag ko saka kumuha ng tiglilibo para ibayad.

"Tae! May pera ka naman pala ang dami mo pang sinasabi." Salubong ang kilay nitong sabi at kinuha ang perang inilahad ko. "Eto, na boss. Maraming salamat." Pagpapasalamat pa nito ng iabot ang bayad.

"Walang ano man, sir. Balik kayo ulit." Nakangiti itong nakipagkamay kay Dos.

Tumango lang si Dos at ng akmang sasakay na siya sa pick up niya ay agad ko siyang pinigilan sa braso.

"Ano na naman ba?" Halata padin ang inis na tanong nito at binaklas ang kamay ko.

"I'll see you again." Agad kong inilapit ang muka ko sa kanya and in one brief second her soft lips touch mine. Parang mumunting boltahe ng kuryente ang gumapang sa buo kong katawan ng maglapat ang mga labi namin. Nanlalaki ang mga matang napatingin ito saakin saka ako itinulak.

"Bye Dos." Nag flying kiss pa ako sa kanya bago sumakay sa kotse ko leaving her still shocked dahil sa paghalik ko sa kanya.

Dos Pov

Tangina, anong nangyari kanina? Di makapaniwalang tanong ko sa sarili habang nakahawak sa labi kong hinalikan kanina ni Heather, di ko na nakalimutan ang pangalan niya. Kakatapos ko lang maligo at nagbibihis na. Hindi na ako tumuloy kayna Donny dahil masyado nadin akong late baka pagdating ko roon ay tapos na ang binyag. Alas dose ang binyag at mag aalas tres na ata ngayon. Muling bumalik kay Heather ang isip ko. Napakaganda niya talaga at napakalambot pa ng labi, pero yung mga ganong klase ng babae. Maganda, mayaman paniguradong mga playgirl yun at wala siyang oras para sa pag ibig. Tapos na siya sa phase na yun ng buhay niya, ayaw na niya uling masaktan at mawasak ang puso niyang muli na niyang nabuo.

Napabuntong hininga nalang ako at lumabas na ng may kaliitan kong kwarto. Nabungaran ko sa sala si itay na minamasahe ang paa.

"Inaatake na naman ba kayo ng rayuma niyo Itay?"

"Oo ata anak. Ang sakit." Patuloy nitong masahe sa paa.

"Wag na ho kasi kayong magtrabaho sa pala-isdaan nila Mang Jun. Okay naman ho ang kita sa palengke." Ani ko.

"Hindi pwede anak, hindi pwedeng umasa nalang tayo roon. Paano kapag humina ang benta ode pare-pareho tayong nganga. Hindi din naman kami pwedeng umasa sa pagbabanda banda at sa pag wwaiter mo, paano kapag nag asawa ka." Mahaba nitong sabi na ikinaikot ng mata ko.

"Hindi pa ho ako mag aasawa tay." Siguradong-siguradong saad ko.

"Aba'y paano ka nakakasiguro? Paano kung bigla kang tamaan ng pana ni kupido?" Dahil sa sinabi ng tatay niya ay bigla na naman pumasok sa isip niya si Heather at ang paghalik nito sa kanya. Agad niyang ring iwinaksi ang isiping iyon.

"Basta tay, hindi pa ho ako mag aasawa at wala ho akong balak na magpakatanga na naman sa pag-ibig." Pinal kong saad at tuloyan ng iwinaksi and babaeng lapastangang humalik saakin na nag ngangalang heather.

ZyyyRilll

Heredera Series: Heather Delamere Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon