PROLOGUE

12 1 0
                                    

Prologue

Madilim ang daanang aking nilalakaran sa isang pasilyo, pundi ang mga ilaw, maraming gamit ang nagkalat at puno ng alikabok.Kapansin-pansin ang sinag ng ilaw mula sa isang kwarto sa dulo ng pasilyo.

Parang may sariling isip ang aking mga paa na naglakad patungo sa kwartong nabanggit. Dahan-dahan ang bawat hakbang, hindi hinahayaan na gumawa ng ingay.

Paglapit sa pinto hinawakan ko ang pihitan at unti-unti itong tinulak, tumambad saakin ang mga dugong nagkalat at mga batang wala nang buhay. Ilang hakbang paatras ang aking ginawa kasabay ng mga luhang sunod-sunod na pumatak dahil sa gulat, takot at awa.

"Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko para sayo, Aria?" tinig ng isang lalaki, walang boses na naririnig tanging sa aking isip lamang. Luminga linga ako para hanapin kung nandito ba ang tinig ng lalaking aking narinig sa isipan.

Sa madilim na parte nang aking nilakaran kanina lamang ay nakita ko di kalayuan ang isang lalaki. Matamang na nakatayo, di makita ang mukha dahil sa dilim.

"Sino ka?" nagugulat kong tanong  ngunit walang nakuhang sagot.

Unti-unti itong humakbang papunta sa akin, hahakbang na sana ako paatras pero hindi ko maigalaw ang aking paa at maging ang katawan ,naestatwa ako sa aking kinatatayuan.

Dahan-dahan nitong iniangat ang kanyang kanang kamay, nakaturo sa aking direksyon.

Naramdaman ko na para bang sumasakal sa aking leeg pero walang kamay na nakadapo dito. Unti-unti akong iniangat mula sa sahig at pabagsak na idinikit sa pader ang aking likuran. Ramdam ko ang sakit at paghahabol sa aking hininga.

Nagpupumiglas ako, nilalabanan ang pwersang kanyang inilalabas. Hindi ko maaninagan ang kanyang mukha dahil sa dilim at nanlalabong mga mata dulot ng mga luha. "Bi-bita..wan moko, tu-tulong!" hirap na bigkas ko, nauubusan na ng hangin.

Ganon na lamang ang gulat ko, makikitang nagbago ang kulay ng kanyang mata na mula sa natural na kulay ay napalitan ng kulay lila
"Ang tagal kitang hinanap"......

(AN: Sorry sa mga typos or grammatical errors. Peace yow! )

Enjoy reading! :)

_________________________________________

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance of the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.



PECULIARSWhere stories live. Discover now