liar ♡ two

400 1 2
                                    

"Good afternoon, Sir Shindong! Pumapayat, ah?" Sabi ng isa sa mga kaklase ko, at tinignan ko naman kung sino yun only to see Lucas.

Yung grupo nila ang maiingay dito, at sa totoo lang ay medyo naiirita ako pero tinitiis ko nalang. I never liked loud places anyway.

"Aba. Plus payb ka sa quiz mamaya, Lucas." Sabi ni Sir Shindong, at nalaglag ang panga ko.

Seriously? Lagi nalang nagpapabigay ng plus five si Sir Shindong sa unang babati sa kanya na pumapayat siya! And for the record, si Lucas ang laging nauuna! Nung minsan, ginaya siya ni Mark, kaya lang ay na-minus ten naman siya.

"Labas niyo workbook niyo. Answer page 127. Walang kopyahan," sabi ni Sir Shindong, at saka lumabas na sa room.

Sa workbook day namin kay Sir Shindong, ganito ang laging nangyayari. Iiwan niya ang room at sasabihin na walang magkokopyahan, when he knows too well na magkokopyahan pa rin sila-

"Psst," tawag ng someone sa akin, pero hindi ko pinansin.

"Lucas, gago, lakasan mo kasi."

"Tanga, bat di ikaw dito?"

"Boom, Jaehyun, wawa ka pala, e."

"Sungalngalin kita, Mark,"

"Pre, ikaw ba yan? Binigyan ka na nga ni Sir Shindong ng chance na kausapin siya, oh,"

"Alam mo, Xiaojun, ikaw na dito. Promise, napakadali."

I rolled my eyes, at hindi na nakinig sa usapan nila. I placed my earbuds in, at saka nagpatugtog nalang habang hinahanap ang page 127 sa workbook namin.

Walang magawa lang yung mga yun.

"Ayan, narindi yata."

"Hina mo, Lucas,"

"Wow, Jaehyun, nagsalita! Naunahan ka nga ni Minhyun hyung!"

"Tatahimik kayo o tatahimik?!"

Hindi ko na natiis at nasigawan ko na sila, dahilan para mapatingin ang buong klase sa akin. They blinked rapidly at parang gulat na gulat, kaya naman ay inialis ko nalang ang tingin ko sa kanila.

Tsk.

liar ♡ lucas wongWhere stories live. Discover now