On Hershey's point of view
Mas lalo pang kumabog ang aking dibdib ng nagsimula ng tumunog ang mga speakers ng school , siyang hudyat na nagsisumula na ang pagtatapos .
Pansin ko'ng sobrang laki ng ngiti ng mga taong nakapaligid sakin , Sa mga oras na'to tila ba hindi ko maintindihan , at sobrang bilis ng bawat pangyayari.
"Hershey , puwede ba'ng mag papicture? Well , we both don't know kung kelan tayo ulit magkikita , maybe after a year or two ?"
Pagkibit balikat ni Yuan sabay ng nakakabighani niyang ngiti.
Dali dali ko namang inayos ang aking buhok at nagpalitrato kasama si Yuan.
Kung sa bagay di namin alam kung kailan o saan kami muling magkikita after this Grand event."One , Two , Three .... "
Kakaibang pakiramdam na tila ba sobrang lapit namin sa isa't isa , Inaamin ko na matagal na'kong may nararamdamang espesyal para sa kanya , ngunit dahil sa aking ina na sobrang strikta ay napipilitan na lamang ako na pigilan ito.
"And now the class of Section A , First on the line as she attained Suma Cum Laude at her present batch Ms.Hershey Vane"
Dali dali akong tumakbo at umakyat sa stage upang kunin ang aking diploma.
"Oh naka bihis kana pala Hershey , Kita mo at may ngiti kapa sa labi . Handa kana ba sa kasal mo? Dali ka marami ng bisita ang nag-aantay sa iyo sa simbahan , At tiyak naroon narin si Mr. Arevalo"
Sa aking pagtangis at paglabas sa pintuan upang tunguhin kung saan magaganap ang seremonya ay tinatahak ko ang daan pabalik sa mga alaalang nagdaan samin ni Yuan.
Sa aking pagdating sa simbahan ay siyang tunog ng kampana ang aking narinig , nagsimula na ang walang hanggang panaginip.
Pagbukas ng pinto ay purong nakakabinging katahimikan ang sa aki'y bumungad senyales ng isang sagradong pagtitipon.
"Wooooh , Go Hershey " Malakas na sigaw ni Yuan .
Binaling ko ang aking tingin sa kaniya ngunit sabay nito ang pagsapaw ng matalim na tingin sa akin ng aking ina na siyang nag alis ng ngiti sa'king mga labi.
Madali akong tumakbo palabas ng pook kung saan nagaganap ang pagtatapos at roon din ay sinundan ako ng aking ina.
Noon din ay hinawakan ako ng aking ina sa aking mga braso , Kasabay ng isang matamis na ngiti at noon ay inilakad niya ako palapit sa altar .
"Ikaw talagang bata ka puro ka kalandian , hindi ba sinabi kona sa'yo na pag-aaral ang atupagin mo ha?Ano bang akala mo, Maganda ka ha? Maganda ka? Hoy hinde!" Pang-iinsulto niya sa akin.
Noon ay gusto ko na lamang na umiyak at magmukmok , na tila ba nilalamon ako ng mundo , hiya at lungkot . Yung pakiramdam na gusto ko nalang maglaho.
"You're ruining the graduation of my daughter Mary."
Sabay ng pagkalumbay ay yumakap ako sa aking ama na matagal nawalay sa'kin.
"You're just making your daughter too idiot! And by the way , where's the divorce papers? So you'll choose your family on the US? More than me huh?"
"It's not like that Mary , It'll take time to have the divorce papers but trust me i'm doing everything i can" Dagdag ni papa.
Habang lalo akong papalapit sa altar ang siyang haplos ng malamig na hangin sa aking muka , Na tila ba bakas ng mga luha sa aking mga pisngi . At hikbing lumabas mula sa aking mga labi.
"We don't have anything to talk about Martin."
Sabay ng pagtalikod ni mama at hatak sa aking mga braso.
BINABASA MO ANG
Blood Crayon
General FictionCanvas are out of stock. You're next to be drawn or be drowned by your blood. What lies here? You gotta find out.