Yuan's POV
Tumambad sakin ang duguang katawan ni Hershey . Tila ba mayroon siyang sakit sa isip oh ano .
"Yuan! Yuan ilayo moko dito!"Takot na takot niyang sabi. "Yuan kukunin nila ako, papatayin nila ako. Yuan ayoko na dito" Sabay ng kanyang pag iyak.
"Ano bang sinasabi mo hershey? A-a nong sila ? sinong papatay sayo?"
"Hindi kaba naniniwala saken yuan?"
Napaisip ako kung ano ba talagang nangyayare sakanya pakiwari ko ay natrauma siya.
"Hindi sa ganon---"
"Edi umalis na tayo dito HAHAHA"Aniya.
Tumaas ang aking mga balahibo sa kanyang pagtawa. Na tila ba hindi siya umiyak , nababaliw naba siya?
"Maglinis ka nga , ano ba yang mga dugo nayan"
Napansin kong may mga sugat siya sa braso at sa mga tuhod. Nakakapagtaka pero hindi naman kame nadapa nung mga nakaraan.
Nahiga siya sa Sofa.
"Ayoko nga maglinis."
At inilagay niya ang kanyang mga braso sa harap niya.
"Tumayo kana jan, puro dugo yang sugat mo, Saan moba nakuha iyan?"
"Wala yan gasgas lang HAHAHA"
Sa oras na ito ay mas nakakapagtakang tila di niya iniinda ang mga sugat , Malalaki ang mga ito at tila ba nahiwa ng kung ano.
"Uy hi! Aalis kana? sige ingat" Sabay ngisi.
Kinilabutan ako lalo ng bigla siyang kumaway sa bintana na tila ba nagpapaalam sa isang kakilala.Napatingin ako sa kanya.
"Linisin na naten tong mga sugat yuan?Hihi."
"O S-sige maglinis kana sa banyo at ihahanda kona itong mga pagkain."
"Hindi samahan moko." Aniya.
"Hindi pwede, mag asikaso kana don!"
"Edi wag! Hmp"pasinghal niyang sagot.
Pumasok ako sa kwarto at nagimbistiga , Naabutan kong mayroong basag na salamin at gunting sa kwarto. Mayroon ding mga buhok at nagkalat ang dugo sa kumot at bedsheet.
"Tok , tok , tok ... Tao po?"
Sino kaya ito? Agad kong nilabas upang malaman.
"Sin---"
"Sir yuan!" masigla nitong bati.
"Manang? Oh napapunta kayo rito?S-sinong nagsa---"Tanong ko.
"Hindi ba tumaw---"
"Yuan? Nakapaglinis na ako. May gamot ba tayo diyan?"Tanong ni Hershey.
"Manang pasok muna po kayo at maupo." Sabi ko.
Kinuha ko ang gamot at gauze pad mula sa emergency kit.
"Maupo ka sa sala at dun kita lalagyan hershey."
"Wag na ako nalang" sagot ni manang
"Nakakahiya naman po , mabuti pa ako nalang mag-aasikaso sa sarili ko." dagdag ni hershey.
"Ay hindi iha , maupo kana diyan. Matagal na rin akong di nakakabisita sa aking anak , Namimiss kona siya . Kaya puwede ba asikasuhin kita?"
"Ah o-okay po kung gusto niyo po."
Naupo siya at inabot ko naman ang mga gamot kay manang.
"Bakit ang tagal niyo naman bago tumawag sa bahay sir yuan?"
Nagkatinginan kami ni Hershey at batid kong siya ang tumawag.
"Eh mahabang istorya po manang e , saka wag niyo napo ako tawaging sir."
"Marami naman akong oras baka maari mong ikwento?"Aniya.
"Ah-eh ang mabuti pa manang kumain na ho tayo. nakahanda na ang mga pagkain."
"Ah eh yuan kundi kita tatawaging sir eh puwedeng nanay na lamang din ang itawag mo sa akin , sa tagal na nag---"
"Ako rin po ba ? puwede rin po?!" Sagot ni Hershey.
Nagtaka ako dahil parang bata siya sumagot.
"O-oo naman bakit hindi."Sagot naman ni manang .
"Nanay kase."
"Ay nanay pala , Hahaha"
Nilagyan niya naman ng gamot ang mga sugat ni Hershey at saka kami kumain.
Pagtapos ng lahat ay pumasok si hershey sa kwarto dahil siya daw ay magpapahinga na.
Nagpaalam naman na si manang at uuwi na siya.
"Ahm yuan , May nais nga pala akong iabot sa iyo." Aniya.
"Ano po iyon?"
"Ngunit bago ko ito ibigay ay may nais na ipaabot sayo ang iyong ina , Samakatuwid ay nakaburol siya ngayon , samantalang ang ama mo naman ay kinuha ng kaniyang ina at sa probinsiya nila siya inilagak , Heto ang sulat, Pero yuan maari kang pumunta sa burol at kuning muli ang bahay niyo , Ang mga negosyo at iniwan ng iyong tunay na mga magulang , Aantayin ko ang iyong pagbalik." Sabi niya.
"Pero nay magulo pa ho ang sitwasyon e , ngunit sige ho at pag-iisipan ko."
Binasa ko naman ang sulat.
Yuan ,
Maaring pagnabasa mo ito ay kasusuklaman mo na ako sa huli , sa oras o araw na ito ay maaring wala na ako. Umalis , tumakas , nagtaksil o baka wala na. Kung gayon man ay nais kong humingi ng tawad sa iyo.Sa aking kasungitan at higpit kung minsan. Ngayon ay malaya kong maihahayag sa iyo na simula palang ay pera na ang habol ko sa iyong ama.
Ako at ang iyong stepfather ay nagkasundong lasunin at ipapapatay ang iyong mga magulang . Nais naming angkinin ang lahat mula sa kanila. Ngunit hindi ang saktan ka. Inaruga kita at lahat bilang isa kong tunay na anak.Gayunman ay alam kong kasusuklaman mo ang aking ugali at kasinungalingang ipinakikita . Masaya ako at nakasama kita sa pagkamit ng layuning hindi tuwid. Nais ko na ring ihingi ng tawad ang iyong ama . Dahil sa pagtataksil niya sa iyong ina. Marahil ay napariwara kana sa iyong buhay , at hindi alam kung paano babangon. Nais kong ihandog at ibalik sayo ang lahat ng yaman ng iyong ina at ama.Itinabi ko ito upang sa oras na mag-isa kana ay mag sandigan kang muli.Nagmamahal ,
Frances Mejia.Bumuhos ang aking luha at bumagsak ang aking tuhod.
Siya namang pag abot ni manang sa akin ng mga papeles , Mga alahas at perang inimbak ng stepmother ko . Ang bank accounts na inialay para sa akin at ang password nito.
"Alam niyo ho ba ang tungkol rito?"
"Noong una ay inakala naming masama ang iyong ina , ngunit ng lapitan niya kami at kinausap ukol sa kasamaan ng iyong ama ay tinulungan namin siyang ikubli ang malalaking bahagi ng yaman niyo"Aniya.
Wala akong masabi , at puro iyak ang aking ginawa. Inakala kong ahas at traydor siya buong buhay ko.
"Yung stepfather mo , binalak niyang lasunin ka . At patayin na rin ang stepmother mo upang makuha niya lahat . Ngunit huli na ang lahat , at noong oras na iyon ay may kasama ka sa pag-uwi. Kaya ika'y nakaiwas , Oh siya yuan , Tutuloy na ako at baka hinahanap na ako sa burol ng iyong ina , Aantayin namin ang iyong pagbabalik sa mansiyon"
"Ihahatid na kita nay."
Inihatid ko siya at nakarinig ako ng sigaw na nanggagaling sa aming inuupahang kwarto.
"Araaay! B-bitawan moko! Yuan tulungan moko!"
BINABASA MO ANG
Blood Crayon
General FictionCanvas are out of stock. You're next to be drawn or be drowned by your blood. What lies here? You gotta find out.