Dream.02

48 0 0
                                        

Lumipas ang dalawang linggo at hindi na muling dinalaw ng kahit anong panaginip si Akira. Napuno ng katanungan ang unang mga araw magmula ng gabing iyon kaya naman minabuti niyang maghanap ng kasagutan na magpapagaan sa kaniyang pakiramdam.

She settled with the most common answer - sleep paralysis. One starts to hallucinate and fear and anxiety kicks in for which she could attest to. Fortunately it was said to be normal and at most everyone gets to experience it atleast once in their lifetime.

She must have been stressed a lot lately due to the upcoming finals. Pilit niyang kinumbinsi ang sarili na ayos lang ang lahat at kontrolado niya parin ang nangyayari sa buhay niya.

Kasalukuyan siyang nagpapalipas ng oras sa sa library ng kanilang unibersidad kasama ang matalik na kaibigan na si Serri.

"May napanaginipan ka na naman bang masama?" tanong ng kaibigan na bakas ang pag -aalala.

"Hindi nako dinalaw ng panaginip magmula ng gabing 'yon." tugon niya.

"Oh, eh hindi ba dapat maging masaya ka. Ba't parang dismayado ka pa?"

" Naguguluhan din ako Serri. Hindi ko maintindihan ano ba ang dapat kong maramdaman. It felt real. Very real for me not to ignore. Paano kung...What if the dream is trying to tell me something?"

"You are being paranoid Akira. Natatakot nako para sa'yo. I think it's best for you to see some medical expert before that dream of yours get to you completely."

"No need. I'm fine." Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang binitawan bago niya ibinalik ang tuon sa librong binabasa.

The world is a false reality and a true fantasy.
-The Secret of the Universe

Hindi niya pansin na hindi nawala ang paningin ng kaibigan sa kaniya. Bakas ang lungkot at pag-aalala. She is after all the only person in this world who probably knows her more than herself. Someone who understands her best and would be there for her.

Limang taon na din ang nakalipas. Magmula nang tumigil ang oras para sa kaniyang kaibigan.

Mag aalas nuwebe na ng gabi ng nagdesisyonan ni Akira na umuwi na. Nauna na si Serri dahil sa may mahalagang aasikasuhin kasama ang mga magulang nito.

Maikling sulyap ang kaniyang ginawa sa buong paligid at napagtantong iilan na lamang pala silang natitira. Mukhang karamihan din sa kanila ay doon na magpapalipas ng gabi.

Habang tinatahak niya ang madilim na pasilyo palabas, hindi niya mapigilang mas mapuna ang nangyayari sa paligid niya. Una niyang napansin ang mga nakasarado at nakapatay na ang ilaw na mga silid na kaniyang nalalagpasan.

Pinigilan niya ang sariling huwag tumingin sa loob nito lalo na sa repeklesyong nagagawa ng salamin sa mga bintana at pintuan ng bawat silid. Ang tanging naririnig niya ay ang ingay na ginagawa ng bawat hakbang ng kaniyang mga paa.

Binilisan niya ang kaniyang paglalakad ng bigla siyang makaramdam ng presenyang mistula bang nakasunod sa kaniya. Ramdam niya ang takot at patunay nito ang tagaktak ng pawis sa kaniyang mukha at nanginginig niyang mga kamay at paa.

Tumigil siya sa paglalakad at naging balisa. Biglang sumikip ang kaniyang dibdib na nagpaluhod sa kaniya.

Hindi ako makahinga.

Paulit ulit niyang hinampas ang kaniyang dibdib gamit ang nakakamaong kamay. Agad na nanlabo ang kaniyang paningin dulot luhang kanina pa niya pinipigil.

Unti-unting nanumbalik ang mga ala-ala ng kahapon na patuloy siyang hinahabol.

Drawing back the fear she felt that day. The day she died.

Dream Report
Dreamer: A1
2nd Dream:
Success

Keeping You AwakeWhere stories live. Discover now