Nandito na naman ako. Nakabalot sa lamig na unti unti akong kinakain. Nakakulong sa kadilimang pilit akong hinahatak pailalim.
Keeping me away from the warmth and light that's trying to reach me. Pulling me away from what is trying to save me.
Nandito na naman ako. Bilanggo sa sarili kong panaginip. Hindi maigalaw ang mga kamay't binti. Tila ba na ipinako ang buong katawan sa kamang aking hinihigaan.
There is this unexplainable presence of an unknown force pinning me down so I could not run.
Nandito na naman ako. Sinusubukang gisingin ang katawang naiwan sa mundo. Pinapakinggan ang sarili habang sumisigaw na hindi naman naririnig. Umaasang paglipas ng isa, dalawa hanggang tatlong minuto gaya nang sabi nila ay makakabalik din ako.
Praying that my wandering soul would find its way back home to its vessel, my body.
Tatlong minuto. Inabot ng tatlong minuto bago ko madilat ang aking mga mata sa pag aakalang tuluyan na akong nagising. Ngunit hindi pa pala.
I woke up in a new dream. Trapped in a white room with corners about to stretch for eternity.
Sa pagkakataong ito, nakakabulag na liwanag ang sumalubong sa akin. Kasalungat ng unang panaginip, ibang iba. Hindi na ako nakahiga. Malaya kong nagagalaw ang aking mga kamay. Ramdam ko ang paggalaw ng aking mga paa. Ngunit di ko maramdaman ang bigat ng aking katawan.
I'm floating.
Sandali pa ay biglang umingay. Mga boses na bigla na lamang nagsulputan sa kung saan. Mistulang nag babangayan na para bang napakahalaga ng kanilang pinag uusapan. Ngunit hindi ko magawang maintindihan kung ano. May boses na galit, may boses na nagmamakaawa, may boses na tuwang tuwa at marami pa.
But there's one voice that overpowered all others. Calling my name.
"Akira"
Sino ka? Nasaan ka? Magpakita ka!
Sinubukan kong hanapin kung saan nagmumula ang tinig na tumatawag sa akin pero unti unti na atong humihina. Habang lalong lumalakas ang iba pang mga tinig, papalit nang papalapit sa akin.
"NO!"
"THIS ISN'T RIGHT!'
"BEING RIGHT IS NEVER AN OPTION IN THIS CASE TO BEGIN WITH!"
"I TOLD YOU THIS IS A BAD IDEA!"Tama na! Ayoko nang makinig! Lubayan niyo ko!
*Beeeep! Beeeep! Beeep!
A loud beep resonated around the room. Like a warning for those who needs to be aware that it has finally come.
Ilang segundo pa ay lumindol ng napakalakas. Gumuho ang puting kwarto at nagkabitak bitak.
And from that moment I realized, I was trapped in a glass cube. Being locked in a space to cast me away from what is outside. Not letting me be part of this world that unfolded before me.
Ngunit ito ang mundong kinalakihan ko. Hindi ang nakaraan, hindi ang kinabukasan kundi ang pang araw araw na aking nasasaksihan.
Nagtataasang gusali, walang pakundangang busina nang mga sasakyan at mga pasaherong ubos na ang pasensya sa trapiko na kinakain ang kanilang oras. Mga taong aligaga sa pag aalala sa kaniya kaniyang problema sa buhay nila. Nakikipaghabulan sa oras na mailap.
I could have been fooled that everything was normal, only if I haven't noticed how oddly lively the night was, almost as if it was just a normal morning. As I looked up, I noticed how the sky was like the galaxy itself that reminded me this isn't true.
*screeeech!!
MAGPAPAKAMATAY KA BA?! TABI!
I was standing in the middle of a busy street. Wearing a long white sleeveless gown - barefoot. Feeling so lost, and confused.
I feel so cold. Feel? Cold? But this is a dream. I'm not supposed to feel anything.
Slowly, I took a step forward. Carefully, calculating every step as if I was ready for something bad that is bound to happen. I tried to approach some to ask , but they won't even spare me a glance.
Patuloy nila akong binalewala.
May mga kamay na biglang humablot sa aking mga balikat. Hindi ko masilayan ang kaniyang mukha dahil sapilitan niya akong pinaharap, siya nakatago sa aking likuran.
Sa hindi ko malamang dahilan, I wasn't threatened by his presence, it was in fact the total opposite. Ramdam ko na ligtas ako. He was warm, and so familiar.
'Never come back.' he whispered those words like his life depended on it. And when I was about to turn around, he vanished like he was never even there to begin with.
Bumuhos ang malakas na ulan. Seemingly telling what my heart feels on my behalf.
Hindi ko siya kilala, ni hindi ko nasilayan man lang ang kaniyang mukha.
I only heard his voice and felt how warm his embrace were but my heart ached with his disappearance.
Then there's pain. And it brought me back. I'm finally awake.
Dream Report
Dreamer : A1
1st Dream : 07/24/2019 12:00AM
Success
YOU ARE READING
Keeping You Awake
Ciencia FicciónDreams are either fairytales or nightmares. But hers were real. Having spared from the murder that killed both her parents, Akira Miyasaki's been living life as if she was a mere variable in a social experiment - a project. Until one night, she foun...